Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, November 26, 2008

Arthro Has Dangerous Side Effects?

Madalas nating mapanuod sa TV ang commercial ni Mang Rudy ng Arthro at ngayon nga ay may bago na naman syang commercial at at ang bagong pauso na "Wow Lakas Ang!" Noong una ay nakita naman natin ang paggaling ni Mang Rudy sa pamamagitan lang ng pag-inom ng herbs na ito subalit kapansin-pansin rin ang nakitang pagbabago kay Mang Rudy. Nasa video sa ibaba ang patunay... magmasid at makialam.


Dahil sa paginum ng Arthro ay kapansin-pansing naging pabaliktad ang paglalakad ni Mang Rudy. Naging normal nga ang kanyang lakas at maaaring lumakas pa pero hindi ba mahirap maglakad ng nakatalikod.

Habang tumatagal ay paiba-iba ang side effects ng Arthro at ngayon nga ay kapansin-pansin ito sa bagong commercial ni Mark Logan. Makikita natin dito si Mang Rudy na tuwid ng maglakad at nakikikarera pa subalit ng magsalita na sya ay baliktad naman ang kanyang pagsasalita.

Hindi kaya naisip ng Arthro na may negatibo pa ring hatid ang kanilang ads at maaaring magbigay ng katawa-tawang mensahe sa kanilang produkto? "Wow lakas ang!"



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: