Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, November 12, 2008

Mag-ipon ng Pondo para sa Financial Emergency (Save funds for Financial Emergency)

Hindi pa man natin nararamdaman sa ngayon ang tinatawag na "financial crisis" o "recession" na naradamdaman sa mga bansa tulad ng Estados Unidos, Europa at Tsina hindi natin pwedeng sabihin na hindi na talaga tayo maapektuhan nito. Bagama't patuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ay mayroon pa ring nagbabadyang panganib ang pagbagsak ng mga pangunahing ekonomiya sa mundo. Narito ang isang artikulo mula kay Alvin Tabanag na tumutukoy sa pag-iipon ng pondo at paghahanda para sa mga financial emergency...

Establishing an emergency fund
Excerpts from “Kaya Mo, Pinoy! 12 Steps to Build Wealth on Any Incoming”
www.pinoysmartsavers.com/kayamopinoy.html


One of the first things you should do when you start a personal savings and wealth building program is to establish an emergency fund. An emergency fund is reserved money that you can use during financial emergencies. Kahit yung hindi masyadong mabigat na pangyayari, kagaya ng pagkasira ng kotse o pagpapalit ng bubong na nilipad ng bagyo, ay hindi mo kaagad magagawa kung wala kang sapat na reserved na pera.

Your emergency fund will provide money to cover immediate expenses while you are adjusting to an emergency situation. Insurance plans can cover your financial needs in case of accidents, sickness or death. But it will take days, weeks, even months to process your claims and receive the benefits from your insurance policy. Ang reserved na pera ang magiging pantawid mo habang inaayos pa ang mga dokumento at hinihintay ang approval ng iyong claims. Kung wala kang nakatabing pondo, malamang uutang ka; at dahil biglaan, mapipilitan kang umutang dun sa malaki ang interest.

Don’t think about investing your money if you still don’t have enough emergency fund. Building the fund should be one of your top priorities. Mas mahalaga pa nga ito kaysa pagbabayad ng utang mo. Even if you have insurance protection you should still establish an emergency fund because there are some other emergency situations which are not covered by any insurance plan, like an urgent trip to the province to see a dying parent.

Ideally, you should have an emergency fund equivalent to 3 to 6 times your monthly income. This should be sufficient to cover most unexpected expenses. So if you’re earning P15,000 monthly, your emergency fund should be between P45,000 to P90,000.

Read the rest of the article at www.pinoysmartsavers.com/weekly11101.html


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Anonymous said...

hindi applicable yan sa mga masa na talagang naghihirap. ang mga bloggers talaga, nagsusulat para sa mga kapwa nila elitista at hindi nakatuntong sa lupa ang mga gustong ihapag na solusyon. ang mga mahihirap, gustuhin man mag-ipon ay walang maiipon dahil ang kinikita nila ay kapos pa nga sa pang-araw-araw na pangangailangan nila. mga blogggers, mag-isip nman kayo ng nakatuntong sa lupa. huwag nyong ikulong ang sarili nyo sa apat na sulok ng computer screen.

Shen said...

Ibahin mo ako sa ibang blogger at saka hindi totoong karamihan sa bloggers ay nakakulong at hindi nakatuntong sa lupa. Hindi mo ba naisip na hindi kaya ikaw ang nakakahon? Hindi ba pwedeng mag-ipon ang mahirap dahil kulang pa ang kanilang panggastos? May mga paraan para mag-ipon, magtyaga at magsakripisyo. Hindi ako nakakulong sa apat na sulok ng computer screen sapagkat ako mismo kasama ang aking organisasyon ay gumagawa ng mga hakbang para makatulong.

Elitista ba ang tawag sa lahat ng mayaman at may pera? Masama bang magkapera? Sa palagay ko naman ay hindi tamang ganito ang ating gawing kaisipan... elitista ang mga may perang walang pakialam sa kanilang kapwa tao at alam ko na hindi lahat ng may pera ay ganito.