Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, November 25, 2008

Pagkawala ni Marlon Carmen ay Pagkawala ng Thrill at Ratings para sa Survivor Philippines?

Gaya ng inaasahan ay nawala na nga si Marlon Carmen sa Survivor Philippines at siya na ang pang apat na miyembro ng Jury. Bago umalis ay may mga isiniwalat si Marlon na mga bagay na plano niya pero hindi niya ginawa sapagka't hindi daw siya ganun. Bagay na para sa akin ay ikinahanga ko kay Marlon pero bagay na para sa kanyang mga kasama ay dahilan ng pagiisang tinig na putulin na ang kanyang pananatili sa isla. Ito rin ba ay nangangahulugan ng pagbaba ng ratings ng reality show?

Sabihin na nating nakakainis at kalimitan ay nakakaasar si Marlon pero sa totoo lang siya ang nagbigay ng sustansya at matinding pananabik sa Survivor Philippines. Sa mga naiwang castaways tila nawala na ang apoy na magpapagana upang kapanabikan mo ang bawat yugto ng mga pagsubok at araw ng mga Survivor.

Sa pinakahuling Tribal Council ay ipinakita ni Charisse ang kanyang todong kaplastikan. Para sa akin siya ang may pinakapangit na ugali sa lahat ng castaways. Ibinoto nya si Marlon kahit pa ito ang nagprotekta at nagtiwala sa kanya hanggang sa huli. Hanggang sa huli ay kapakanan ni Charisse ang inisip niyo kaya nga sa kanya nito ibinigay ang White Pearl na magbabawas ng isang boto laban sa kanya.

Sa mensahe ni Marlon pagkatapos niyang matanggal ay walang hinanakit at galit siyang ipinakita sa mga naiwan bagkus ay positibong mensahe ang kanyang ibinigay. Maaaring si Marlon Carmen ay kinaasaran at kinamuhian ng marami at kabilang na ako noong mga unang pagkakilala ko sa kanya subalit sa pagtataya sa huli siya ang may pinakamagandang pagkatao.

Nilaro nya ang laro ng Survivor at ginawa nya ang lahat alang-alang sa laro pero sa huli hindi nya isinakripisyo ang kanyang pagkatao at ipinakita ang tunay na pakikisama at katauhan.

Sa pagkakataong ito nawala ang nagpapaganda sa Survivor Philippines? Ano ang epekto nito? Sa tantya ko ay maaaring bumaba ang ratings ng reality show at iyan ang ating titingnan sa mga susunod na araw.

Saludo ako sayo Marlon Carmen! Para sa akin ikaw ang tunay na may maipagmamalaking personalidad.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: