Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, November 14, 2008

A Sonet About the High Price of Electricity in the Philippines

DALAWANG SONETO HINGGIL SA PRESYO NG KURYENTE

Eto po ang dalawang soneto na sinulat ng isa nating kasamang blogger na si Gregorio Bituin. Sadya nga yatang sa ating bansa ay isa sa pinakamalaking sakit ng ulo ay ang presyo ng kuryente. Ito ang isa sa may pinakamabigat na alokasyon sa budget ng bawat pamilya at bawat mamamayan. At eto na po ang kanyang alay na soneto.

PINEPESTE NG MAHAL NA KURYENTE

ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig




Tubo ang laging nasa kukote
Ng namamahala sa kuryente
Iniisip lang nila'y sarili
At sa taumbaya'y walang paki.

Sa Meralco'y dapat nang masabi
Salamat at may ilaw sa gabi
At araw-araw ay may kuryente
Ngunit presyo nito'y sadyang grabe!

Ano kaya kung isabotahe?
Lider nito'y lagyan ng boltahe?
Di kaya magmura ang kuryente?
O tayo muna'y maghunos-dili?

Ang masa'y talagang pinepeste
Ng taas ng presyo ng kuryente.




PAMURAHIN ANG KURYENTE

ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig




O, sobrang mahal na ng kuryente
At kaming dukha ang nadadale
Gobyerno'y dapat tumulong dine
Pagkat tayo'y kanilang botante.

Sa kongresista, mga alkalde
Sa senador at sa presidente
Kayo pa ba sa baya'y may silbi?
Aba'y pamurahin ang kuryente!

Sa kababaihan, anluwagi
Manggagawa, magsasaka, sastre
Lahat ng sektor, at estudyante
Magkaisa't nang ating masabi:

Kung hindi ninyo diringgin kami
Kayo pala'y sadyang walang silbi!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: