Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, November 23, 2008

Survivor Philippines at ang Kabaklaan (Survivor Philippines Goes Gay)

Hindi ko nais asarin ang palabas na ito subalit totoong ang kinalabasan ng episode na ito ng Survivor Philippines ay ang paglalabas ng kabaklaan ng mga natitirang lalaking survivor sa Thailand na sina Marlon, JC, Chris at Rob. Animo'y mga haliparot na baklang nagpatalbugan at nang interview sa tatlong babae nilang kasama na sina Charisse, Khaye at Mami Zita. Bunga ito ng katuwaan at sadyang kakaibang emosyon, lugar at pagsasamahang nadadala ng Survivor Philippines. At nairecord ko ang eksenang ito. Para sa buong record BUMISITA LAMANG SA BLOG NA ITO!

Sa kabuuan marami pa rin ang nagtatanong kung totoo bang si JC nga ang nanalo sa Survivor Philippines gaya ng inilabas noon ng isang entertainment website? Pero sabi naman ng mga staff ng palabas na dalawang araw lamang ang huli ng telecast sa actual na nangyayari sa isla.

Sa totoo lang kapag si JC ang nanalo, totoo man o hindi sasabihin ng nagsiwalat na tama sila... well wala na akong pakialam dun ang tangi ko lang gustong masubaybayan ay kung papaano nga magtatapos ang Survivor Philippines.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: