Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, December 27, 2008

Ang Tanging Ina Ninyong Lahat: The Best Movie sa 34th Metro Manila Film Festival

Ang pelikula na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas na "Ang Tanging Ina Ninyong Lahat" ay siguradong magiging top-grosser sa lahat ng pelikula para sa 2008 Metro Manila Film Festival. Bagama't may laban din ang Iskul Bukol 20 Years After nina Tito, Vic and Joey ay mas hitik sa istorya at mensahe ang pelikula ni Ai-Ai. Mapapatawa ka, mapapaiyak, mapapaisip at madarama mo ang pagka Pinoy at ang mga problema ng ating lipunan sa pamamagitan ng pelikulang ito.

Sinasalamin ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ang pinakamahalagang papel ng isang Ina sa bawat pamilya at ang mabigat na papel na kanyang ginagampanan. Naipakita ni Ai-Ai ang kakayahan niya bilang aktres. Sa tulong ni Eugene Domingo bilang Rowena nabigyan ng ingredient ng todo halakhak ang pelikulang ito.


Ang Tanging ina Nyong Lahat - ( Full Trailer )(HQ)

Rekomendado sa bata man o matanda ang pelikulang ito. Kung gusto ninyo ng pelikulang kakapulutan ng aral at katatawanan ito ang panuorin ninyo. Pinanuod ko ito kasama ng aking tatlong anak at sabi nila hindi lamang sila natawa kundi natuto pa.

Sa kasalukuyan eto ang ranking ng top-grossers:

1. Ang Tanging Ina Niyong Lahat
2. Iskul Bukol 20 Years After
3. Shake, Rattle, and Roll 2
4. Desperadas 2
5. Baler
6. One Night Only
7. Dayo
8. Magkaibigan

Ang awarding ceremony ng 34th Metro Manila Film Festival ay ngayong Sabado. December 27, sa Hotel Sofitel.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: