Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, December 30, 2008

Jose Rizal: A National Hero Who Failed?

December 30, 2008 ay kaarawan ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal. Tinaguriang bayani at huwaran ng lahat ng Filipino, lalo na ng kabataan. Pero ang tanong makalipas ang 112 taong, nagtagumpay nga ba si Gat. Jose Rizal sa kanyang mga minimithi para sa ating bayan o siya ay isang bayaning talunan?

Sabi ni Gat. Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan" Totoo nga na may mga kabataang nagpakita ng gilas at maaring sabihin na mga pag-asa ng bayan. Subalit anu ba ang kahulugan sa salitang ito ni Rizal? Inaasahan ni Rizal na ang mga kabataan noong panahon nya at ang mga susunod pang henerasyon ng kabataan ang magpapatuloy ng anumang tagumpay na makakamit laban sa mga kastila. Sila ang magsisilbing ilaw ng ating bayan. Makalipas ang 112 taon ang ating bayan ay sadlak sa kahirapan, maraming kabataan ang hindi nakapag-aaral, bulok ang sistema ng ating pamahalaan, at subsob sa panunuod ng mga telenobela gabi-gabi. Ito ba ang pinangarap ni Rizal?

Sinabi rin ni Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabaho at malansang isda." 112 taon ang nakaraan at nasaan na ang WIkang Filipino. Tila tuluyang napabayaan at nawala na ang sinasabing ito ang ating pambansang wika na kung saan ay magiging sandigan ng ating pagkakaisa. Marami sa atin ang nagsasabing Tagalog ang pambansang wika samantalang ito dapat ay Filipino. Ang FIlipino ay wika at ang Pilipino ay tao. Ang wikang FIlipino ay dapat magkaroon ng sangkap ng diyalekto ng bawat katutubong diyalekto sa ating bansa at hindi lamang Tagalog at ito ay dapat na patuloy na linangin at mahalin. Sa ating pamahalaan bakit parating Ingles ang mga batas at diskusyon. Kaya walang makaintindi ng mga batas kasi nasa banyagang wika tapos sasabihin nila hindi alam ng tao ang mga batas. Bansa natin ito, Pilipinas ito kaya dapat Filipino ang gamit sa ating pamahalaan. Mabuti pa si Erap at pinagsikapang magamit ito. Hindi bobo ang magmahal at gumamit ng sariling wika at hindi rin naman hindi maka-Filipino ang nag iingles pero kung parating Ingles ay baka nga.

Ipinagdiriwang natin ang araw ng kamatayan ni Jose Rizal pero dapat higit pa sa pagdiriwang ang ating gawin. Kung gusto nating matuwa at maging makabuluhan ang buhay na inilaan ni Jose Rizal para sa ating bayan hindi ba dapat na tulungan natin siyang maging totoo ang mga pangarap na ito. Tayo ang pag-asa ng ating bayan at wala ng iba pang tutulong sa ating kundi tayo rin. Bangon kaibigan at ating tuparin ang mga pangarap ni Rizal.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

sarah said...

I recently came accross your blog and have been reading along. I thought I would leave my first comment. I dont know what to say except that I have enjoyed reading. Nice blog. I will keep visiting this blog very often.



Sarah

http://www.thetreadmillguide.com

Shen said...

Thanks for the comment. It is an honor that readers like you find my blog informative and interesting. Will always try to make your visit and reading of the blog posts here worthwhile.