Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, December 15, 2008

Si Juana Change at ang Pilipinas (Juana Change and the Philippines)

Anu nga ba ang ipinahahatid sa atin ni Juana Change? Andyan lamang ba sya para asarin ang ating pagka-Filipino? Kung pagka-Filipino matatawag ang korupsyon, panloloko, kawalan ng puso at iba pa ng pamahalaang ito parang ayaw ko na yata maging Filipino. Sa kainitan pa nga ng damdamin ni Senador Mar Roxas kahapon ay hindi nya napigilang makapagmura. Mali nga ba yun? Tunay nga bang nagpakababa ng pagkatao si Sen. Mar Roxas sa sandaling iyon o di kaya ay palabas lamang ito para mas sumikat pa sya sa halalan sa 2010?


Juana Change talks about Cha-Cha


Marahil ay tunay ngang simbuyo ng matinding damdamin ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Simbuyo ng damdamin na nararamdaman din ng nakararami sa mga Pilipino. Ang tanong si Gloria nga lang ba ang problema at ang bulok na sistema ng pamahalaan o tayo rin na pumapayag na manatili ang ganitong sistema? Ang mga bumuboto na hindi tumitingin sa mga magagawa ng kandidato o sa nagawa nito bagkus ay sa personal na naitulong nito, o sa pagiging kamag-anak o sa perang naibigay nila?

Maraming tanong at karamihan ay nasa ating mga sarili ang sagot. Sabi nga ni Gandhi, "Be the change you want to see in the world."

Eto ang isa pang video ni Juana Change na tumutukoy naman sa kultura ng lagay at padulas sa ating bansa at sana po ay magustuhan ninyo.




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Guest said...

meron po ba kayong blog about pork barrel pakihelp namaan po

David D'Angelo said...

Gusto mo ba akong sumulat ng isang article tungkol sa pork barrel? Sa ngayon kasi wala pa akong nasulat tungkol dun.