Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, January 10, 2009

11th Jamboree St. Disrespected

Ang unahang bahagi ng 11th Jamboree Street mula EDSA hanggang Timog Ave. ay ginawa ng GMA Network Drive sa bisa ng resolusyon ng Quezon City Council. Maraming salamat sa nagbigay ng reply sa ating sinulat tungkol sa unang artikulo tungkol sa pagkakaroon ng GMA Network Drive. Atin pong inakala na ang buong 11th Jamboree ang nawala ngunit yun pala ay mula Edsa hanggang Timog Ave. Atin din pong napagalaman na ito po ay base rin sa kautusang ipinasa ng Quezon City Council at hindi gawa lamang ng GMA 7. Bagama't may karapatan nga ang isang istasyon marahil na makuha ang pangalan ng kalsada dahil dalawang gusali nila ang pumapagitan sa kalsada ay nanatili ang aking pagtutol dito. Para sa akin hindi dapat bawasan ang sakop ng kalsadang ipinangalan bilang pagpupugay sa magigiting na scouts na namatay sa 11th World Jamboree noong August, 1963 sa Greece at Marathon. Para na ring ipinakita nito ang pagwawalang bahala natin sa kasaysayan at sa alaala ng mga magigiting na scouts. "The Boy Scouts died in the line of duty. Their noble death shall inspire the youth and the nation.", iyan ang katagang tinuran ni noo'y Pangulong Diosdado Macapagal.. karangalang ngayon ay tinapakan ng pagpapalit ng pangalan.

Ang ama ni Scout Jose Antonio at Tagapangulo World Scouting Movement 1971-1973, ay sinabi ang mga katagang ito: "For this is the other side of the coin of grief. The glory. The honor. The triumph.…In the forefront of these boy's minds were always held as shining goals the noble ideals of the Scout Oath: 'honor…duty…God…Country.' These boys kept their honor; and they kept the faith; and they gave their all for their country…and I am sure they kept themselves in the friendship of God."

Tunay ngang mas karapat-dapat na bigyan ng natatanging ala-ala ang 24 na magigiting na scouts na ito. Sana ay malaman ng GMA 7 at ng mamamayan na hindi lang pangalan ito ng isang kalsada kundi ala-ala ng ating kasaysayan at ng kabayanihan. Bagama't sinasabing ito ay ginawa ng Quezon City Council ay pwede naman itong tanggihan ng naturang istasyon subalit tinanggap pa rin nila ito.

Ating alalahanin sila at sana ay panatilihing buhay ang kanilang mga ala-ala.

Dr. Bonifacio V. Lascano, National Council
Florante L. Ojeda, Agusan Council
Librado L.S. Fernandez, Manila Council
Rev. Fr. Jose Martines Jr., Misamis Oriental Ramon V. Albano, Manila Council Patricio D. Bayoran Jr., Pasay City
Gabriel N. Borromeo, Manila Council
Roberto C. Castor, Quezon City Council
Henry C. Chuatoco, Manila Council
Jose Antonio C. Delgado, Manila Council Felix P. Fuentebella Jr., Manila Council Pedro H. Gandia, Manila Council
Victor C. De Guia Jr., Baguio City Council Antonio M. Limbaga, Zamboanga City Council Roberto P. Lozano, Dagupan City Council Paulo C. MadriƱan, Pasay City Council Jose Fermin G. Magbanua, Negros Oriental Council Romeo R. Rallos, Quezon City Council
Filamer S. Reyes, Cavite City Council Wilfedo M. Santiago, Manila Council Benecio S. Tobias, Tarlac Council Antonio P. Torillo, Cavite City Council Ascario A. Tuason Jr., Manila Council Rogelio C. Ybardolaza, Quezon City Council


1. Albano, Ramon V.
2. Bayoran, Patricio
3. Borromeo, Gabriel Nicolas
4. Castro, Roberto
5. Chuatoco, Henry
6. de Guia, Victor, Jr.
7. Delgado, Jose Antonio
8. Fernandez, Lirado
9. Fuentebella, Felix, Jr.
10. Gandia, Pedro
11. Limbaga, Antonio
12. Lozano, Roberto
13. MadriƱan, Paulo
14. Magbanua, Jose Ferin
15. Ojeda, Llorante, Dr.
16. Rallos, Romeo R.
17. Reyes, Filamor
18. Santiago, Wilfredo
19. Tobias, Benecio
20. Torillo, Antonio
21. Tuason, Ascario, Jr.
22. Ybardolaza, Rogelio



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

4 comments:

Emmanuel Sakay said...

CORRECTION PLEASE!

MERON PA RING 11TH JAMBOREE STREET!!!!

ANG GMA DRIVE AY YUN LANG PART NA MULA SA EDSA HANGGANG TIMOG AVENUE.

NANANATILING 11TH JAMBOREE STREET MULA TIMOG AVENUE HANGGANG KAMUNING
STREET...... .....
FOR YOUR GUIDANCE AND REFERENCE. THANK YOU!

Jonathan Perez said...

Correction lang po, ang Quezon City Council ang nag pass ng resolution to change 11th Jamboree Street to GMA Network Drive.

Maski ako ay nalulungkot sa pangyayaring ito. Kawalan ito ng respeto sa mga Boy Scouts na namatay habang patungo sa World Jamboree sa Greece.

bruce gee said...

Dave,

Like you, I am disgusted. Di tama ginawa ng GMA 7. Kabastusan yan. Wala silang "sense of history and legacy". Walang respect sa lumipas.

Sa ibang lugar malaki ang paggalang nila sa lumipas.

Sa America at Australia,.. ..may tinatawag na Heritage Protected zones. Mga bahay na luma...na hindi pwede baguhin, kahit pintura..lalo nat buwagin..... kahit ng may-ari WITHOUT THE APPROVAL of the Historical Society!

Their reason is that HISTORY belongs to the bigger community - hindi lang sa kamay ng kasalukuyang tao.

Hindi dapat baguhin ang history. I agree with your posting. It is a DISGRACE for GMA 7 to disrespect the memory of the scouts who gave their lives to represent the country sa Jamboree.

Ganun din ang mga nagpapalit ng pangalan ni Scout Albano to Eugenio Lopez. Marami pa namang IBANG KALSADA...o bldg, o tulay...o business ....na pwedeng pangalanang Lopez. NOT Scout Albano.

SHAME!

-bruce gee

gary said...

that was a momentous history!

the station is not desrving to own the street !

KAWALANG HIYAAN!