Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, January 18, 2009

Ang Karanasan sa Bar Uno Comedy Bar (Experience at Bar Uno in West Ave.)

Bihira akong makapag enjoy ng night life sa Manila. Una dahil hindi naman ako tagaroon kundi taga Bulacan at pangalawa syempre hindi naman biro din ang pumunta sa mga ganitong lugar dahil mapapagastos ka talaga. Despidida ng aking kaibigang si Henry Sta. Maria noong araw na yoon kaya nakasama ako nila. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Pagdating sa Bar Uno na located sa West Ave. ay akala namin ay puno noong una subali't nagpapainit pa lang pala ito. Unang nakasalang bilang host doon si Twinkle. Nang pagpasok ay nag English na sila sa akin kaya sabi ng isa naming kasamahan ay pangatawanan ko daw. At yun nga ang ginawa ko na sa bandang huli ay napangiti na lang ako sa mga pangyayari.

Magagaling ang mga hosts ng Bar Uno syempre andun si Twinkle, si Betong na magigi ng mainstay ng Unang Hirit, si Boobsie at syempre si Vanessa. Si Vanessa ang pinakakakaiba sa kanilang lahat sapagka't isa itong unano. Sa totoo lang hindi ko kayang makita ang kalagayan ni Vanessa na nagiging tampulan ng biro ng mga host at minsan ay iwinawasiwasiwas na lang. Pero mabuti na rin yun kasi kahit papaano ay may trabaho sya... anyway comedy bar naman yun.









Lahat ng hosts ay tinatawag ako at kinakausap. Si Vanessa pa nga ay lumapit at nagrequest ng kiss na pinagbigyan ko naman. Mahiyain ako sa totoo lang pero sa dami ng karanasan ko sa pagiging isang leader ay wala na sa akin yun. Si Boobsie ay ganun din na halos ihiga ako sa kanyang malalaking bumper at nagbobounce pa.

Pinaka di ko makakalimutan ay ng kinailangan na nilang magperform kasama ang audience. Nagsipili ng mga kapartner ang mga hosts at ako ang napili ni Boobsie. Follow the leader ang gimik ng grupo kung saan susundin ng kapartner ang host. Simple lang ang mga simulang ginawa at ng sa amin na ginawa ko na lang ang ginagawa ni Boobsie ng walang pag-aalinlangan. Sa huli ay parang naging strip show ang kinalabasan na kung saan ay nahubaran ako sa bar pwera na nga lang ng taanggalin ko na pantalon ko sapagka't hinarangan na nya.










Siyempre ang audience ang magdedecide kaya ng dumating sa amin ay walang pag-aatubiling sumang ayon ang lahat. Nanalo ako ng 2 packs ng Lucida-DS whitening soap na naiwan ko sa Manila. At syempre pagkatapos noon ay may Tequila Body Shot. Si Boobsie ang naunang magbody shot at pinili nya yung dibdib ko... hay nako sa utong pa man din. Pero anu ba ang magagawa kaya sumunod na lang ako.

Nang ako na ang magbobody shot nagrequest ang mga audience na kung saan daw ako binody shot ay dapat doon din si Boobsie. So syempre ayaw pumayag ng host ba babae. Pero dahil sa cheer, kontribusyon at special request ng tao ay dumating din sa punto na ito ay nangyari kahitsa nmadali lang. ANg nakakatawa pa pati si Vanessa na body shot ko rin... hay ok lang buti na lang malakas ang loob ko.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay kumanta rin ako sa harap ng maraming tao. Una ay duet sa pamangkit ni Hendy ng kantang Bakit Ngayon Ka Lang at pangalawa ay ang solo performance ng kanta ni Michael V. na "Hindi Ako Bakla"

Masaya, nakakatawa at higit sa lahat isang kakaibang karanasa. Para sa aking kaibigan na si Henry... VON VOYAGE and a HAPPY TRIP!

Sa mga nakilala ko sa Bar Uno pwede nyo ako contact sa 09165450452 (Globe) o sa 09087291578 (Smart). Pwede nyo rin akong add sa friendster o email saphil_lenin@yahoo.com

Nice meeting you all!

FOR MORE PHOTOS PLEASE VISIT THIS LINK.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: