Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, January 13, 2009

Ang mga Mandurukot at Magnanakaw ng Cellphone (Mobile Phone Pickpockets and Snatchers)

Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ng habang sumasakay sa LRT Line 3 o MRT ay nalaman kong wala na pala ang Mobile Phone ko. Sa sobrang siksikan ng tao na parang sardinas ay hindi ko na rin nalaman kung sinong kumuha kaya naman napangiti na lang ako at nasambit ko ang "P Ina Naman!" Pero dahil pangalawang beses ko na nawalan ng cellphone hindi na ako nashock. Nasabi ko na lang sa aking sarili na ganun yata talaga at nagkulang din naman ako sa pag-iingat. Grabe nga lang kahit saan ka yata sumakay o pumunta ay hindi ka na safe pati na ang mga gamit mo.

Nagkataong galing ako nun ng Metropolis Alabang kasi nagbayad ako ng Tax para sa Filcode kaya ang daan ko lang eh bus at saka MRT. Kasi kung magbubus ka mula Alabang hanggang Cubao ay aabutin ka ng humigit kumulang 2 o 3 oras. Bumaba ako ng Magallanes at syempre akyat sa MRT para kumuha ng ticket. Then tamang abang na ng masasakyang tren. Biglang nagtext sa akin ang Marketing ng SM City Baliwag kaya syempre tiningnan ko. Pagkatingin nilagay ko ulit sa bulsa ko. Usually kasi hindi naman ako nagtetext sa ganun kasi nga delikado o siguro medyo napanatag na din ako na pag nasa MRT hindi ganun kadelikado mawalan ng cellphone.

At eto na nga po dumating na ang tren na North Bound. Grabe siksikan parang sardinas. Para kang nasa football league pag sasakay ka. Naipit na rin ako pero nakasakay. Di ko nga namalayan kung nung sumakay ako eh nasa akin pa ang phone ko kasi baka sa gitgitan pa lang nadukutan na ako. Nalaman ko lang na wala na sya kasi nung may dumaan na lalaki parang di tumatama phone ko sa dumadaan kaya ng kapain ko bulsa ko wala na pala.

May lakad pa dapat ako nung gabi kasi nga may kakausapin ako na myembro ng BROOD at birthday pa naman nya pero dahil nga medyo tuliro na rin ako ay umuwi na lang ako ng Bulacan.

Bilang payo at learning experience na rin ay may mga naisip ako na Paraan Upang Hindi Mawala ang Inyong Mobile Phone:

1. Ilagay ang Mobile Phone sa bulsa na may zipper at lagyan ninyo ng padlock para mahirapan sila na dukutin. Ingat nga lang sa mga nanlalaslas.

2. Patungan ng bagay tulad ng panyo o towel ang inyong phone kung nakalagay sa bulsa para hindi madaling madukot.

3. Kabitan ng kadena at itali sa belt.

4. Maglagay ng mouse trap sa iyong bulsa (ehehehe joke lang).

5. Huwag magtetext pag nasa public area kasama na dyan ang tren, bus at lalo na sa jeepney. Okey lang sa mga malls pero delikado pa rin kasi baka manmanan ka.

6. Gumamit na lang ng mumurahing mobile phone kapag nasa Metro Manila ka kasi malakas ang kitaan dito ng mga snatchers, mandurukot at holdapper ng mga mobile phone. Kaya lang pag naholdap ka delikado na sobrang luma ng phone mo kasi baka magalit sayo ang holdapper ay lalo ka pang patayin dahil sa inis.

7. Magmukhang pulubi para hindi ka pagkamalang may dalang phone.

8. Gumamit ng sariling sasakyan. Ingatan lang mag drive sa mga madidilim at hindi mataong lugar.

Higit sa lahat at ang laging tatandaan maging mapagmasid palagi sa inyong mga katabi. Pagdudahan sila lagi sapagkat hindi mo alam baka ang magandang babae o gwapong lalaki na katabi mo ay isa palang kawatan. At gaya ng sabi ni Mei ng Rinoa's Virtual Buzz, "Huwag maging panatag!"

May namataan din akong "mobile phone application blocking pick pocket o pickpocket block". Di ko pa nasubukan pero kung gusto nyo wala naman masama subukan.

Mga danger areas sa mga ganito ang MRT, mga jeepney, mga lugar tulad ng Quiapo, Tondo, Cubao at mga matataong lugar.

Ako eto may mobile phone na ulit pero dun muna ako sa mumurahin. Sa hirap ng buhay kalokohan na ang bumili ng latest kasi bibigyan ko lang sila ng kumikitang kabuhayan.

Eto po ang bago kong number: 09165450452 (Globe); 09087291578 (Smart)

Pag po may nagtext gamit ang 09062083200 huwag po kayong maniniwala na ako yun. Mahirap na dahil nung 2007 ng nawala una kong phone may niyaya pang kaibigan ko na makipag sex eyeball. Biruin mo! Manyak pa pala.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Donardo Cuago said...

HOW I REALLY WISH NA MA-INVENT YUNG DEVICE NA PWEDE I-INSTALL SA MGA CELFONES NA PWEDE MA-ACTIVATE PARA MAG-SELF DESTRUCT KAPAG MERONG DUMUKOT O NAG-SNATCH NITO...PARA MAPUTOL NA NG TULUYAN ANG MGA KAMAY NG MGA MANDURUKOT/SNATCHER.