Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, January 23, 2009

Wifi On The Go and Where to Get It

Nung wala pa akong laptop akala ko nun libre ang wifi ng Starbucks kaya maraming tao na naka laptop at tumatambay sa Starbucks. Ngayon lang araw na ito ko nalaman na may bayad pala ang wifi access nila. Alam nyo ba kung magkano? P100 per hour. Grabe nuh? Sana man lang kung sa bawat order mo ay at least may kasama ng free wifi na kahit 50pesos per hour okey na yun.Pero anu nga ba ang magagawa natin eh iyon talaga ang policy nila. Saan nga ba talaga sa Metro Manila are may mga libreng wifi hotspots? Well tingnan natin at syempre pwede rin kayong magcomment para naman malaman din ng iba.

Sa mga nalibot ko na, isa sa mga nakita kong mall sa may Marikina Area ang Robinsons na katapat ng Sta. Lucia Mall. kahitWifi hotspot ang buong mall at take not free access yan. Kaso huwag kayong aasa na mabilis ang wifi connection nila kasi kahit na 1Mbps ang bilis para ka namang naka dial-up sa loading ng browser mo.

Kung kayo naman ay gusto ng medyo cozy na lugar pwede nyong subukan ang mga branches ng Burger King. Secured ang wifi nila kaya kelangan mo ng key at password na pwede mong makuha sa counter nila upon order. Bumili ka na lang ng pinakamurang item na sundae na nagkakahalaga ng P35 at magkaka wifi card ka na kasama na ang kailangan mong info. Pwede ka ng tumagal dun siguro ng mga ilang oras. Syempre huwag ka namang maglalagi dun ng maghapon o kaya kahit higit sa 5 oras kasi di ba nakakahiya rin naman.

May ilang sangay na rin ang McDonalds na wifi. Tulad na lang ng nakita kong McDonald sa may Marcos Highway na malapit din sa Sta Lucia Mall.

Kung mga hotels naman na hindi mahal at may free wifi access, isa sa mga may ganito ay ang mga Sogo Grand Hotels. Paki tanong lang kung gumagana at may connectivity kasi minsan kahit malakas ang signal wala kang pag-asang makapag online at palaging "page cannot be found"

Tiyak na bukod sa mga nabanggit ay marami pang ibang wifi hotspot at syempre kung may alam kayo pakidagdag naman po at paki comment. Baguhan lang din ako at syempre gusto ko ring maka konekta sa internet, makapagcheck ng email at magchat habang nasa labas ako at may mga meetings.

Paalala lang po pag naka wifi access tayo huwag kalimutang laging iupdate ang inyong anti-virus at syempre ilagay po natin sa highest level ang ating firewall settings ng ating operating system ng sa gayon ay hindi tayo mapasok ng virus.

Maligayang wifi surfing!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: