Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, March 6, 2009

Ang Ala-ala ni Francis “Master Rapper” Magalona (with Videos)

Sinong makakalimot sa kanta ni Francis Magalona na ‘Mga Kababayan ‘, isang kanta na sumasalamin sa kagitingan at pagpupunyagi sa lahing kayumanggi. Isang manganganta na nagtaguyod sa pagka-Filipino ng bawat mamamayan. Sa bawat kantang kanyang inaawit at sa bawat komposisyon ay dangal ng ating lahi ang isinasalamin. Isa siyang ehemplo na dapat gayahin ng lahat ng Pilipino.

Ika-6 ng Marso 2009, pumanaw ang tinaguriang Master Rapper. Isa itong balita na gumulat sa buong bansa. Sa loob ng humigit kumulang anim na buwan ay kinalaban ni Francis ang sakit na leukemia. Nagpakatatag at patuloy na nagplano para itaguyod ang kanyang nasimulang adhikain. Siya ay nagging isang mabuting ama at asawa.

Si Francis M. ay hindi lamang isang mang-aawit kundi isa ring kompositor, artista, host, komedyante, pintor at marami pa. Marami pa sanang magagawa ang isang katulad niya subalit sabi nga nila ang buhay ay madali lamang at ang kamatayan ay parang magnanakaw na hindi mo alam kung kalian darating.

Bilang pagala-ala sa kanya ay narito ang ilang kantang ating tinangkilik… mga kantang tunay na makabayan pati na rin ang mga video na naging bahagi sya. Sa iyo Francis M. … isang pagsaludo… ikaw ay isang tunay na Juan. Ikaw ay isa sa mga dahilan kung bakit si Juan ay hindi dapat mapagod… ikaw ay isang tunay na Pilipino.


MGA KABABAYAN 2007 VERSION


Mga Kababayan - FrancisM at MSC TRL


FRANCIS MAGALONA Returns to Eat Bulaga Oct 25, 2008


MGA PRANING


HALALAN


KALEIDOSCOPE WORLD (Live)


REACH FOR THE STARS


FRANCIS M. & RAMON BAUTISTA - RAP FACE OFF


TAYO'Y MGA PINOY


MERON AKONG ANO


NILAMON NG SISTEMA


Francis Magalona live@HILAGA(kabataan para sa kinabukasan)




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: