Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, March 9, 2009

May Women's Day Ba sa Pilipinas?

Nang manood ako ng balita sa TV kaninang umaga, napanood ko ang mga militanteng grupo ng mga kababihan tulad ng GABRIELA na nag-rally kahapon. Kahapon kasi ay March 8 at ito ang tinaguriang “International Women’s Day”. Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito sa mga Pinay na tulad ko ngayon? Bakit tuwing “Women’s Day” dito sa Pinas, puro rally na lang, taun-taon rally ng rally?

Ma-drama at talaga namang umaatikabong rally ang kasaysayan ng “Women’s Day”. Nag-umpisa ito bilang paggunita sa mga naging biktima ng Triangle Shirtwaist Factory fire na naganap noong 1911. Ang Triangle Factory ay isang sweatshop o isang industriya na kung saan napipiga ang dugo at pawis ng mga trabahador dahil sa init, hirap at haba ng oras sa pagtatrabaho. Karamihan sa mga tauhan ng nasabing factory ay kababaihan at sila ay mga immigrants galing sa Italy, Germany at Eastern Europe. Ang mga babaing ito ay mga di gaano o di talaga nagsasalita ng Ingles (ang Triangle Factory ay sa Amerika) at walang ibang mapagkakitaan. Ang iba sa kanila ay talagang mga bagets pa (12 o kaya 13) dahil wala pa namang anti-child labor laws noon. At lalong wala pang labor laws noon kaya kahit hanggang 14 oras, araw-araw pati Linggo, pinagtatrabaho sila. Ito pa: ayon sa Wikepedia, kung ang average na sahod noon ay US$791, ang isang Triangle Factory Worker ay kumikita lamang ng US$338 sa isang taon o kaya’y kulang-kulang 93 cents sa isang araw. At nang masunog ang nasabing factory, lumantad ang lalong kalunus-lunos na kalagayan ng mga workers. I-lock ba naman ng mga may-ari ang mga fire exits at naglagay lamang ng isang fire escape para sa daan-daan nitong empleyado, talaga namang may mga mamamatay. Sabi nga sa Wikepedia 146 daw ang namatay, kabilang na doon ang mga tumalon mula sa 8th floor para matakasan ang nagliliyab na kamatayan.

Mula noon, marami nang kilusan ang naganap para maiangat ang estado ng kababaihan sa lipunan. Pulitikal talaga ang esensya ng Women’s Day kaya di kataka-takang, rally nga ang nakasanayang gawain pag dating ng araw na ito. Sa ibang bansa tulad ng China, Cuba at Vietnam, official holiday ito. Sa iba namang bansa tulad ng Romania at Poland, parang Mother’s Day ang dating kung saan, nireregaluhan ng tsokolate at bulaklak ang mga kababaihan kapag Women’s Day. Bongga! Dito sa Pinas, rally. Di ko nga lang alam kung naging turn-off ang rally kung kaya hindi pumapatok ang Women’s Day. Ni wala ngang sale sa mall tuwing March 8 samantalang karamihan naman ng namimili dito ay kababaihan.

Dito sa Pilipinas, mabenta ang Pasko, Valentine’s, Mother’s Day at pati Easter pero olats ang Women’s Day. Dalawa na ang naging Presidente nating babae pero wala man lang gumawang opisyal ang paggunita dito. Sabihin naman ng mga kalalakihan, e di sana may International Man’s Day rin tulad ng kung may Mother’s Day ay may Father’s Day din. Mahabang usapin, balitaktakan at debate ang pagdadaanan natin diyan. Huwag na muna nating pagtalunan ang equality at women’s liberation. Ano ba naman ang magbigay-pugay tayo sa ating mga ina, kapatid, tiyahin, lola, siyota, kapitbahay, tindera, guro, nars at ob-gyne? Ang sinasabi ko lang ay sana may isang araw na ilaan natin para mapag-isipan ang naging (tahimik) na papel ng mga kababaihan sa paghubog ng kung ano tayo lahat ngayon. Hindi ba’t daig pa nila si Jose Rizal sa naging impluwensiya nila sa ating mga buhay? Pag-isipan. May quiz bukas.

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: