Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, April 1, 2009

May Bagong Umagang Parating sa Pilipinas


Nang una kong marinig ang campaign jingle ni FPJ ay nabuhayan ako ng loob sapagkat napakamakatotohanan ng kantang "Bagong Umaga" ni Bayang Barrios. Kung hindi nga lang sa tingin ko ay si Raul Roco ang siyang pag-asa ng ating bayan ay baka siya ang binoto ko noon. Makalipas ang anim na taon, mayroon pa nga bang bagong umagang parating? Ang nakakasopresang sagot ay... OPO MAY BAGONG UMAGANG PARATING!


bagong umaga - bayang barrios

Mga simpleng tanong... GUSTO BA NATING MAKAANGAT SA ESTADO NA KINASASADLAKAN NG ATING BAYAN NGAYON? GUSTO BA NATING MABAGO ANG BULOK NA SISTEMA NG KATIWALIAAN, PULITIKANG NAKABASE SA "GUNS, GOONS, AND GOLD"? GUSTO BA NATING SA WAKAS AY MAGKAROON NG OPORTUNIDAD ANG LAHAT? Kung ang sagot mo ay oo ang susunod kong sasabihin ay... ALAM MO BANG PWEDE KANG MAGING BAHAGI NG PAGBABAGONG ITO?

Ika-31 ng Marso, 2008 isang ehemplong mamamayang Filipino ang tumayo at nagsabing panahon na para bumangon ang ating bansa. Isang mamayan ang nagsabing panahon na para itama ang sistema. Isang mamayan ang nagsabing hindi lamang tao ang mahalaga kundi TAYO at TAYO ang gagawa ng pagbabago.

Tunay na totoo... TAYO ANG GAGAWA NG PAGBABAGO! Tayo ang mamimili ng mga susunod na lider sa 2010 at tayo rin ang magdurusa kung sa pagpiling ito ay ang mga dati nang manlalaro ang muli nating iluluklok. Kung naghihirap ang ating bansa, may katiwalian, walang sapat na oportunidad, hindi kumakalinga sa kalikasan sa loob ng napakatagal na panahon na andito ang mga taong ito at kasamang umuukit ng sistema, gaano tayo kasigurado na sa panahong ito ay makakagawa sila ng kaibahan?

Magsuri... magmasid... sapagkat MAY BAGONG UMAGANG PARATING!

ABANGAN...


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: