Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, April 18, 2009

MILF supports Maharlika Proposal

Maharlika, Ang Dakilang Lahi: Ikatlong Yugto. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang member ng Technical Working Group (TWG) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ginawang dialogue training ng Generation Peace Network. Maraming mga tanong na ibinato sa kanya at ito naman ay nasagot din niya ng buong buo. Pero isa ang hindi ko makakalimutan ito ay ang pagsasabi niya na sang-ayon siya sa pagbabago ng pangalan ng ating bansa mula Pilipinas at gawin itong "Maharlika". Ikagagalak raw niyang matawag na isang Maharlika kesa matawag na isang Filipino.

Sa totoo lang ay hindi lang siya ang magagalak rito kundi ganun na rin ang iba pa nating mga kapatid na Muslim (Moro) at mga Lumad (Indigenous People).

Gaya ng mga nauna nating artikulo ay akin pong naging basehan dito na malaki ang maitutulong na pagbabago ng kamalayan sa ating mga kababayan kung ito ay maisasakatuparan. Ang Pilipinas ay hango sa pangalan ng ating mananakop at tayo lamang ang nag-iisang bansa na ipinangalan sa kanyang mananakop. Ang pangalang Maharlika ay isang bansag na nag-ugat sa ating kultura at sa ating pinanggalingan bilang isang lahi. Ito ay nagpapahayag ng ating pagiging isang dakila at marangal na lahi na maaaring maging dahilan ng pagtaas ng moral ng bawat mamamayan at pag-angat ng pagmamahal ng lahat ng nakatira sa ating bayan.

Ako ay Maharlika at sana ay kayo rin. Maaaring sabihin ng marami na walang halaga ang pangalan pero ating suriin... hindi ba malaking epekto sa iyo ang iyong pangalan at ang ibig sabihin nito? Masisiyahan ka ba na ikaw ay isang alipin o mas magigi kang masaya at matatag ang pagkatao kung marangal ang pinanggalingan ng iyong pangalan?

Basahin ang mga nagdaang artikulo:

1. Maharlika, Ang Dakilang Lahi
2. Maharlika, Ang Dakilang Lahi: Ikalawang Yugto



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →