Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, April 4, 2009

Sino ang Karapat-dapat Mamuno sa Pilipinas sa 2010?

Sa unang artikulo nasabi ko na may Bagong Umagang Parating sa Pilipinas, ang tanong sino ang bagong umaga na ito? Sino ang lilipol sa dilim at maghahatid ng isang maaliwalas at magandang umaga? Ang unang sagot sa tanong na ito... TAYO ANG BAGONG UMAGANG PARATING! Ang ating pagboto at pagpili sa susunod na mamumuno sa ating bansa kasama na ang pamunuan mula sa Pangulo hanggang sa pinakamababang posisyon ay dapat sumalamin sa pagpili ng isang bagong umaga para sa bawat isa at higit sa lahat para sa ating bansa. Tayo ang pag-asa at tayo lamang ang makakatigil na sa nangyayaring pangbababoy sa ating bayan ng iilan. Sino naman ba ang dapat ibotong pangulo o kandidato sa 2010?

Ayaw kong magbanggit ng pangalan sapagkat HINDI PANGALAN ANG MAHALAGA kundi kung ano siya... ano ang kanyang pinaglaban sa kanyang buhay at ano ang kanyang gagawin para sa mamamyan at sa ating bansa.

1. MAKAKALIKASAN. Patuloy na nawawasak ang ating kalikasan. Ang mga pamayanan ng mga katutubo at karaniwang tao ay sinisira ng mga minahan, pagtrotroso at iba pa. Ang susunod na pangulo ay dapat may alam sa tinatawag na "Sustainable Development". Dapat dalhin nya ang ating bansa sa tinatawag na "Green Philippines." Marami ang ating mga likas na yaman at sa mga nakalipas na taon ay ang ating mga namamahala ang siya pang patuloy na nagbibigay ng pahintulot na wasakin ito.

2. MAY PANININDIGAN. Dapat ang susunod na pangulo ay may sariling paninindigan. Alam niya ang tama at mali at hindi lamang siya nagdedesisyon para sa pulitikal na ambisyon. Hindi dapat siya pinapaikot ng kanyang mga magulang o ng kanyang angkan o ng kung sinu-sino lamang. Kung may magdidikta sa kanya ay iyon dapat ang interes ng lahat ng mamamayang Filipino.

3. MAKABAYAN. Dapat ang susunod na pangulo ay makabayan at dapat kaya niyang makipag-usap ng kapayapaan sa ating mga kapatid na Muslim. Hindi dapat siya makasarili lamang sa interes ng isang relihiyon kundi ng bawat relihiyon sa ating bansa na naniniwala sa kabutihan at ikagagaling ng tao. Siya dapat ay naniniwala sa kapayapaan at naniniwala na ang bawat mamamayan ay iisa at nagkakaisa hindi lamang dahil Katoliko o Muslim siya.

4. MAKATAO. Una ang tao higit sa lahat. Hindi dapat siya bingi sa panawagan ng mamamyan... dapat siya ay kasangga ng mamamayan tungo sa sama-samang pag-unlad. Dapat kaya rin niyang manindigan sa mga polisiyang para sa tao subalit maaaring hindi makita kaagad ng mamayan bilang ganoon. Dapat kaya niyang ipaglaban ang mga adhikaing tao ang makikinabang sa mga darating na panahon.

5. PARA SA PAGBABAGO. Ang susunod na pangulo ay dapat para sa pagbabago ng sistemang pampulitikal at pangkultura sa ating bansa. Dapat ng wasakin ang elitistang sistema at gawing mas para sa mamayan ang demokratikong sistemang ating ginagalawan. Dapat muling makilala ng mga tao ang kanyang kultura at pagkatao bilang isang mamayan ng ating bansa. Siya dapat ang magiging susi ng Cultural at Social Revolution ng ating bayan upang sa wakas ay umangat ang ating bayan.

Alam kong marami pa kayong gustong idagdag dito pero ito ang para sa akin ay dapat katawanin ng susunod na pangulo.

May BAGONG UMAGANG PARATING SA PILIPINAS!

Ang TAO ang unang aspeto at ang PINUNO ang pangalawang aspeto. Sino ang PINUNO?

ABANGAN!!!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: