Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, May 25, 2009

Brotherhood of Destiny (BROOD): Noon, Ngayon at sa Hinaharap

Brotherhood of Destiny
“Noon, Ngayon at sa Hinaharap”
Ni: Jabez Brood


Ang grupo ay hindi matatawag na isang samahan kung walang turingan na kapatiran. At hindi rin maikakaila na ang isa tao ay nangangailangan ng masasandalan sa lahat ng oras na pangangailangan.

Kaya naman, sa isang moog ng tahanan, kasabay ng tawanan at biruan may isang salita ang lumitaw “Brotherhood of Destiny”. Ito ay isang konsepto na nabuo ng dalawang magkaibigang, Shen at Lei. Ito ay kanilang ibinatay sa isang palabas sa telebisyon na kung tawagin ay Hunter X Hunter. At sa palabas na ito nabuo ang ideya at nagbigay ng inspirasyon na buuin ang samahang Hunters Association.

Sa umpisa, ang layunin nito ay magkaroon ng isang matibay na pagkakaibigan na hindi nag iiwanan. Sa katotohanan, ang pangalan ng samahan ay nagsimula sa tawag na Brotherhood of the Ring, na kung saan sinisimbulo nito ang isang pagkakaibigan na umiikot sa lahat ng kaanib nito. Ngunit sa tawag ng layunin na mas makatulong sa samahan at sumulong sa hinaharap, ang pagsasamahang ito ay tinawag na kapatiran para sa kinabukasan o mas kilala sa Botherhood of Destiny.

Ang kaunaunahang mga kaanib nito ay walong magkakaibigan na ang unang tumaggap ng pagsubok. At sa kanilang pagtalaga ng sarili, sila ay pumirma sa pamamagitan ng kanilang dugo bilang tanda ng kanilang pagiging tapat sa mga layunin at adhikain ng samahan.

At ngayon……………………

Sa tawag ng paglilingkod, ang Brotherhood of Destiny ay nakilala at lumaganap sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nagkaroon ng sangay sa Atimonan, Laguna, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Nueva Ecija, Leyte at kamindanawan. Maging sa Amerika, Europa, Aprika at Asya ay nagkaroon ng mga sangay. Kinilala sa layunin at kakayahang mamuno at tumulong sa kapwa. Binigyan ng pagkilala sa iba’t ibang larangan ng adbokasyang pang kapayapaan at karapatang pang tao, kalikasan, kultura at sining, komunikasyon at impormasyong pang teknolohiya at pangkabuhayan.

Naging kaanib ng samahang pang lokal at internasyonal. Naging bahagi sa pagbuo ng konseptwal na papel ng ibang samahan. Pinarangalan bilang isa sa mga nangungunang samahan sa buong bansa dahil sa mga proyektong lubos na nakatulong sa kapwa. Piniling maging bahagi ng isang komite na bubuo ng isang samahang mag uugnay sa Asya at Europa. Piniling manguna at maging punong abala sa isang pang internasyonal na pag uusap usap ng mga kabataan pinuno buhat sa lahat ng bansa sa mundo.

At sa hinaharap………………………..

Layunin ng samahan ay mas makatulong ng higit sa kapwa. Mahasa ng lubusan ang mga talento ng mga kabataan. Maging susi sa magandang kinabukasan. Maging daan para sa pagpapaunlad ng sarili, pamilya at pamayanan.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: