Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, May 12, 2009

Isang Tagumpay at Isang Panawagan ng Pagtulong

Sa loob ng mahigit isang taon ay sama-samang binuo ng World Creative Youth Forum (WCYF) 2009 Team ang isang proyekto na punong-puno ng pag-asa at paglilingkod. Isang proyekto na alay sa kalikasan, bayan at sa sangkatauhan. Sa kabila ng maraming hirap, pagsubok at kakulangan sa pera ay naisakatuparan naman ang WCYF 2009. Sa pananaw ng marami ay naging matingkad at isang makabuluhang karanasan ang WCYF 2009. Ang karanasang ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa mga delegates, mga volunteers, partners, sponsors at iba pa. Andyan ang Commission on Human Rights, GMA 7, Manila Bulletin, Boysen, Shangri-La Plaza, United Nations Association of the Philippines (UNAP), World Without Wars, Young Leaders Alliance of Rizal, Teatro Sambig at marami pa. Isang tagumpay sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap.

Subalit sa kabila nito ay isang malungkot na karanasan ang bumagabag sa akin. Dahil sa kagustuhang maisakatuparan ang WCYF 2009 kasama na ang lubos na pagtitiwala sa mga taong nangako ng tulong at suporta maging pinansyal o hindi ay nanalig ako na magiging maayos ang lahat.

Subalit hindi ganun ang nangyari. Malungkot isipin na sa kabila ng tagumpay ay nababaon ako ngayon sa napakaraming utang na dapat bayaran. Nawasak ang aking pagkatao, tiwala sa sarili at kredibilidad sa mga kausap ko. Ang mga pangakong binitawan ni Prince Frederick at sinira ay sadyang nakakasama ng kalooban. Isa lamang naman ang gusto ko at ito ay ang maunwaaan at maipasa sa mga kabataan ang adhikain para sa Sustainable Development.

Humigit kumulang sa P400,000 ang naging utang ko subalit wala naman talaga ito sa akin sapagkat naganap ang dapat maganap. Ang sa akin na lang po ay sana matulungan ninyo ako na mapagaan ang mga dalahin at magsama-sama para sa mga kabataan at sa kalikasan. Ubos ang aking mga naipon pati na rin ang para sa pagpapa-aral ng aking anak.

Mahirap talagang umasa sa iba pero ang mahalaga ay naganap ang WCYF 2009.

Humihingi po ako sa inyo ng tulong... anumang halaga ay NAPAKAHALAGA.

What had happened was not my fault. My fault is that I just trust far too many people in my life and when the crunch time comes it seems only very few really cares to help.

Send your donations and support to:

Bank Name : Banco Filipino Baliwag Branch
Account Name : Brotherhood of Destiny Incorporated – WCYF
Account Number : 11574-700033- 2

You can have the option to send your payment via GCASH at any Globe Business Center:

Mobile Number : 0915-412-9713
Name : David D. D'Angelo
Address : Baliwag, Bulacan 3006


Please consider ... please .... I beg for everyones consideration and help.

DAVID D'ANGELO
Co-Chairperson WCYF 2009
www.worldcreativeyo uthforum. net
+639165450452


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: