Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, May 18, 2009

Pagkain, Gutom, Kahirapan at ang Fastfood

Simula pagkabata at noong dalawa pa lang ang branch ng Jollibee ay kumakain na ako doon, "Batang Jollibee" ika nga. Sa bawat pagkain ay madalas kong makita ang mga taong hindi naman inuubos ang kanilang kinakain at syempre alam na natin kung saan ito mapupunta. Ang masakit na katotohanan pa na nalaman ko noong lumaki na ako na sangkatutak pala na pagkain ang tinatapon ng mga fastfood chain at bawal ito ipamigay.

Ngayong araw, narito po ang isang video mula kay Ferdinand Dimadura na pinamagatang Films Chicken a la Carte na ibinahagi naman sa akin ng kasamahan namin sa BROOD na si Maan Agtarap. Isa po itong totoong pangyayari.



Ito ang katotohanan ng mundo kaya dapat ay patuloy tayong magpasalamat sa bawat biyayang ating natatanggap. Magpasalamat tayo sa bawat araw na ibinibigay sa atin at ating harapin ang bawat pagsubok ng buong tatag at giting. Maganda ang buhay kaya't atin itong gawing makabuluhan.

Huwag tayong mag aksaya ng mga bagay gaya ng pagkain at huwag tayong maging masyadong maluho. Kung tayo ay may sobra ay atin naman po itong ibahagi sa mga tunay na nangangailangan.

Tayo ang ngayon at may magagawa tayo...

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: