Header

The 2010 Elections and Nicanor Perlas: A Spring of Hope

ShareThis
Ano ba ang mas dapat kong gawing dialekto sa pagsusulat ng isang artikulo na tulad nito? Filipino ba o English? Sa aking palagay ay wala sa lengguwahe kundi nasa nilalaman at layunin ng isang artikulo sa isang blog. Ang artikulong ito tungkol sa isang kakilala at isang pagasa ng ating bayan ay dapat lamang maintindihan ng lahat ng Filipino. Sino nga ba si Nicanor Perlas at bakit ako nagsusulat ukol sa kanya? Si Nicanor Perlas ay isang tao na nangangarap ng isang bagong Pilipinas. Katulad ko ay nais niya ang isang pagbabago hindi lamang ng namumuno kundi maging ng kaisipan at sistemang ating ginagalawan. Isang sistema na tutugon sa pangangailangan ng mamamayan at hindi lamang ng iilan. President Nicanor Perlas, iyan ang tawag ko sa kanya noon sapagkat sabi ko tunay na kahanga-hanga ang kanyang mga adhikain ngunit ang malaking tanong mananalo ba ang isang katulad ni Nicky?

Ang sagot ay depende sayo, sa akin at sa ating lahat. Ano ba ang tinitingnan natin sa pagboto sa isang kandidato? Kasikatan ba? Itsura ba? Ganda ba ng kanyang komersyal? Ganda ba ng kanyang pananalita? Ang kanya bang pamilya o asawa? Sikat ba siyang artista? Magaling ba syang magpatawa? May plataporma ba sya na makatotohanan? Kaya ba niyang manindigan?

Alin sa mga nasa itaas ang iyong batayan sa pagpili ng iboboto sa Halalan 2010? Hindi ganun kasikat si Nicanor Perlas sa panahong ito subalit sa dami ng kanyang ipinaglaban para sa mamayang Filipino ay naniniwala ako na karapat-dapat at kaya niyang pamahalaan ang ating bayan.

Isa sa maraming hinangaan ko sa kanya ay ang kanyang pagiging mapagkumbaba. Saan ka makakakita ng isang taong maituturing na haligi at kinikilala ng ating lipunan na tumutulong ng walang pag aatubili sa nangangailangan. Ng magkaproblema kasi sa WCYF 2009 tumulong siya upang ilipat ang mga damit at gamit ng mga delegado sa mga kwarto. Sa tagaktak at tulo ng kanyang pawis ay hindi siya nagreklamo. Ilang buwan pa lang kami nagkakakilala ay nagsilbi na siyang parang ama sa akin. Nasabi ko na iba ang taong ito... kakaiba sa lahat ng nakilala ko.

Si Nicanor Perlas ay naging instrumento upang maiba ang perspektibo ng APEC noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos. Maging si dating Jaime Cardinal Sin ay nakumbinse niya sa ipinaglalaban na Sustainable Development.

“ . . . in a recent speech before women leaders of APEC, you emphasized that sustainable development, not profit, is the bottom line in APEC. Earlier you categorically warned Ministers of APEC that you do not want the environment to be sacrificed in the express train of economic growth. . . . . In addition, on 26 September 1996, you have formally inaugurated a new framework for development, the Philippine Agenda 21 or PA21, the country’s framework for sustainable development now and into the 21st century. The principles articulated in PA21 are close to the basic values of the Gospel and social teachings of the Church and herein lies the hope for some understanding and common direction.”

Bukod sa pagtatagumpay sa APEC siya rin ay naging instrumento sa mga sumusunod:

• Nanguna siya sa mga nanindigan upang manatiling "nuclear and weapons-free" ang ating bansa at sa pagpigil sa gobyerno sa plano nitong pagtatayo pa ng 12 nuclear plants at pagproseso ng mga "Waste" upang gawing bomba nuclear.

• Pinangunahan niya ang pambansang kilusan na siyang nanguna naman sa pagban ng 32 pesticide formulations na lumalason sa milyong mga magsasaka. Siya rin ang naging susi sa pagkakaroon ng National Integrated Pest Management Program na binigyan ng budget na P750 million at nakapagbigay ng serbisyo sa may 100,000 na magsasaka.

• Hinikayat niya at napagtagumpayan ang pagsasama-sama ng iba't-ibang sektor upang buuin ang Philippine Agenda 21, na naging pinakamataas na basehan ng pamahalaan para sa pagunlad sa ilalim ng rehimeng Ramos. ANG PA21 ang naging "most consultative policy document in Philippine history"

Binigyang parangal din ng United Nations ang PA21 bilang isa sa pinakamagandang halimbawa at pikama posibleng pagtulak para sa Sustainable Development. Ang "societal threefolding" ni Nicanor Perlas din ang pinagbasehan ng Unied Nations sa Sustainable Development nito at maging sa Millenium Development Goals o MDGs.

Kung babasahin mo nga ang kanyang mga naiambag sa ating bansa at iba pang mga kwalipikasyon ay malulula ka talaga sa haba ng mga ito. Narito pa ang ilan sa mga parangal na natanggap ni Nick Perlas hindi lamng dito kundi maging sa ibang bansa: Right Livelihood Award or Alternative Nobel Prize noong Disyembre 2003, Global 500 Award or Earth Warrior Award noong Hunyo 1994, The Outstanding Filipino (TOFIL) Award (December 1994), Rev. William F. Masterson S.J. Award, (March 1995) at ito ang pinakamataas na parangal na binibigay ng Xavier University.

Ilan lamang yan sa mga patunay na ang isang kagaya ni Nicanor Perlas ay tunay na nararapat na maglingkod sa ating bansa. Ang mga kagaya niya ang dapat nabibigyan ng pagkakataon na makapaglingkod at mapagsilbihan ang mamayang Filipino.

NICANOR PERLAS FOR PRESIDENT 2010? Pwede... pero kayo ang makakapagdesisyon niyan... at syempre si Nicky.


References and Further Reading:



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Related Posts by Categories



4 comments:

Grace C. said...

Ang galing Dave! You captured who Nicanor Perlas is. His life has prepared him for this job. Unlike other candidates who are only preparing for the elections.

Shen said...

Thanks! Ginawa ko ito sapagkat naniniwala ako kay Nick Perlas. Alam ko na mahirap ang daan pero panahon na para ang mga kagaya naman nya ang maging Pangulo.

Marami na ang sanay naging mabuting pangulo tulad nina Claro M. Recto, Jovito Salonga at Raul Roco pero hindi sila nabibigyan ng pagkakataon.

Panahon na Pilipinas!

Joseph said...

Si Nick Perlas na talaga ang hinahanap nating tamang presidente sa ating bansa. Marami siyang ginawa na nakakabuti sa ating bayan lalong lalo na sa ating environment. Let's support him

Shen said...

At mangyayari lamang ito kung magsasama-sama tayo at ipapaalam sa lahat na si Nick Perlas na nga ang tamang Presidente para sa Pilipinas. Magtulungan tayo na ipanalo. Nicanor "Nick" Perlas for President!