Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, June 4, 2009

Ang Mabahong Amoy ng Pwet este Con-Ass (Bad Smell of the Constituent Assembly)

Umaalingasaw na naman ang isang napakabahong paratang at pangyayari sa Kongrero pagkatapos maipasa ang House Bill 1109. Di umano ay 20 Million na karagdagang Pork Barrell ang ibibigay sa bawat kongresista na boboto pabor sa Constituent Assembly o Con-Ass. Hindi na nakakapanibago ang mga ganitong paratang dahil naging maugong din ang ganitong suhulan ng mapawalang bisa ang Impeachment Complaint laban kay Pangulong Gloria. Ang tanong gaano nga ba katotoo ito at ano ang mangyayari sa mga pwet ng ating mga kongresista este Con-Ass pala?

Unang tanong na napapanahon siguro ay bakit pilit na inihahabol ang Constituent Assembly kahit na walang pondo para rito? Marami ang nagsasabi na ito ay bahagi ng paraan para mapanatili ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas ng mas matagal pa sa pwesto sa pamamagitan ng pagpapalit ng sistema ng pamahalaan mula Presidensyal patungong Parliamentary. Sa sistemang ito ang kelangan lang gawin ni Pangulong Gloria Arroyo ay lumaban sa kanilang distrito bilang kinatawan, manalo at maiboto bilang Prime Minister.

Ang malaking kaibhan naman ng prosesong ito sa isang proseso na maaari sanang gawin ay ang pagbbotohan ng partido sa eleksyon at pagbibigay ng karampatang bilang ng kinatawan depende sa nakuhang panalo. Subalit kahit sa sistemang ito tiyak ang panalo ng pipiliin ng LAKAS-KAMPI na siya ng pinakamalaking partido sa Pilipinas.

Subalit isang malaking pagkakamali kung ito ay matutuloy. Tiyak na mag-aalsa at lalaban ang taumbayan sa anumang pagtatangka na huwag ituloy ang eleksyon at panatilihin si PGMA sa pwesto.

Kahit sabihin pagdating sa pagpili at sa proseso ng eleksyon ay napakabata pa at immature ang karamihan sa mga botante ay hindi naman ang ganitong paraan at ang ganitong panahon ang dapat gawin upang solusyunan ito. Kailangan ng isang tunay na pagbabago ng paraan ng eleksyon, kaugalian, edukasyon at iba pang bagay kasama na ang muling pagtuklas sa ating sariling kultura upang muling maibangon ang ating pagka-Filipino.

Hindi lamang karangalan galing kay Manny Pacquiao at tagumpay ng iilang tao ang kailangan para sabihing tunay na Filipino sapagkat ang tunay na Filipino ay nagmamahal sa kanyang bayan ng higit sa lahat at hindi sa pera at pansariling kapakanan tulad ng mga karamihan sa mga namumuno.

NO TO CON-ASS and NO TO CHARTER CHANGE!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: