Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, June 11, 2009

Cesar Amoranto Jr, Isang Oportunidad sa World Spirit Youth Council

nais kong ibahagi sa lahat ng mambabasa ng "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?" ang isang artikulo at panawagan na rin ng aking matalik na kaibigan na si Cesar o Jabez sa BROOD. Narito po ang kanyang artikulo...

Minsan lamang dumating ang pagkakataong dumating sa buhay ng isang tao ang mapiling kumatawan sa sariling bansa na dumalo ng pandaigdigang pagpupulong ng mga kabataang pinuno sa buong mundo. Ngunit ang pagkakataong iyon ay may malaking kaakibat na reponsibilidad na ibahagi ang lahat ng kanilang natutunan, napag usapan at higit sa lahat ay isabuhay at maging ehemplo sa kanyang kapwa kabataan.

Ang pagkakataong ito ay mawawalan ng saysay kung ang napiling tao na magrerepresenta sa kanyang bansa ay hindi makakapunta ng dahil sa kawalan ng mapagkukuhanan ng salaping pambayad sa eroplano na makakapagdala sa kanya sa bansang pagdadausan ng pagpupulong. Lalo na kung ang napiling kakatawan ay nagbuhat sa mahirap na pamilya lamang.


Kahit na siya ay gumawa ng mga sulat upang humingi ng suportang pinansyal sa mga kaibigan, kilalang tao at mga opisyal na halal ng bayan, na nangangakong gagawa ng paraan para maibsan ng kahirapan ng bayan, ay walang maitutulong sa dahilan na ang kanilang pondo ay hindi sapat o kaya naman ay hindi ibinibibigay ng kagawaran ng pananalapi o Budget. Saan napupunta ang humigit ilang trilyong budget na inaapruban ng kongreso kung hindi naman ito ibinibigay sa kanila? At kung naibigay man, saang proyekto ito napupunta? At kung may proyekto man, sigurado bang ito ay walang patong o komisyon? Paano na ang mamamayan, lalo na ang mga mahihirap? Paano na ang mga aktibong kabataan pinuno na napipili upang kumatawan sa kanyang bayan? Sigurado namang gagawin ang lahat upang maibahagi ang kanyang natutunan at maging ehemplo sa kanyang kapwa kabataan.

Isa ako sa mga kabataang nabigyan ng pagkakataong kumatawan sa bansa. Isang kabataang nagbuhat sa mahirap na pamilya na nagsumikap, nagtrabaho, kasabay ng pag aaral upang makapagtapos lamang. Ang pagkakataong mabigyan ng oportunidad na kumatawan sa ating bayan ay isang napakalaking karangalan. Ngunit ang karangalang ito ay mababali wala sa dahilan sa wala ako pantustos o pambayad ng pamasahe sa eroplano. Ang nabanggit na pagpupulong ng mga pinunong kabataan ay gaganappin sa Switzerland.

Ako ay gumawa ng mga sulat na humihingi ng suporta sa mga kaibigan, kilalang tao at pulitiko, lalo na ang mga senador. Ngunit ni isa sa kanila ay walang sagot man lamang, maliban sa isa at iyon ay si Sen. Mar Roxas. Ngunit ang ang nakakalungkot, ayon sa kanyang opisina, walang pondo ang napupunta sa kanila magbuhat nuong 2005 na mangagaling sa kagawaran ng Budget sa pangunguna ni Sec. Rolando Andaya. Hindi lamang si Senador Mar Roxas ang aking nilapitan, maging ang
lahat ng nga senador ay aking sinulatan, lalo't higit ang mga senador na nag hahangad ng ikalawang termino at pamunuan ang buong bayan bilang pangulo at iyon ay sina Senate President Juan Ponce Enrile, Sen. Manny Villar, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Jamby Madrigal, Sen. Loren Legarda, Sen. Allan Cayetano, Sen. Benigno Aquino III, Sen. Miguel Zubiri. Bakit kaya nag kakaganoon, ano pa ang saysay ng pag apruba nila ng pondo kung hindi naman ito napupunta sa kanila? Ang tanong, totoo ba na hindi napupunta ang pondo na para sa kanila ay dapat mapunta? Bakit hindi nila masuportahan ang mga katulad ko na minsan lamang mabigyan ng pagkakataon? Hindi ba nila kaya suportahan ang mga tulad ko kahit galing ito sa kanilang bulsa? Dahil para sa akin, kung ang kanilang pagtulong ay manggagaling sa kanilang kusa, doon mismo mapapatunayan na sila ay magagaling at totoong para sa bayan.

Nakakalungkot isipin na hindi ako makakapunta sa nabanggit na pagpupulong. At ang pagkakataon na mabigyan ng oportunidad ay mababaliwala. May pagkakaton pa kaya ako na kumatawan sa ating bansa? May nga nabubuting puso pa kaya ang makakatulong sa akin?

Sa anu mang reaksyon at tulong, maari sumulat sa cesaramoranto@ yahoo.com o kaya ay mag txt sa 09162723435.

Ang nabanggit nga palang pagpupulong ay ang World Spirit Youth Meeting at ito ay gagawin sa Switzerland sa darating na July 15 - 25, 2009. Ito ay proyekto ng Children of the Earth, isang International Non - Government Organization na kinikilala ng United Nations Assembly.


Hangad ko na makapunta ka sa nasabing pagpupulong na ito pero makapunta ka man o hindi ang tunay na paglilingkod ay wala sa dami ng nadaluhan mo at napuntahan kundi sa kakayahan mong maglingkod at magtagumpay para sa kapakanan ng bayan mo kahit pa sa sitwasyong napakahirap.

Saludo ako sayo Cesar!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Anonymous said...

ddddddddddddddd