Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, June 4, 2009

Jai Ho and the Cebu Dancing Inmates New YouTube Hit

Muli na namang ginulat ng mga Cebu Dancing inmates ang sambayanang Filipino matapos na lumabas ang latest nilang Jai Ho dance video. Matatandaang ang mga inmates ng CPDRC ay nafeature na rin sa telebisyon dahil sa pambihira nilang pagsayaw na kung saan ay sabay-sabay sila at talaga namang napakagaling na mga galaw. Ang Thriller na isa sa pinakauna nilang video at iniupload sa channel ni byronfgarcia ay humataw ng 23,049,106 views. Kaya eto na ang latest na moves sa sayaw... ang Jai Ho Remix Cebu Dancing Inmates.



Ang Jai Ho ay mula sa pelikulang Slumdog Millionaire na istorya ng isang mahirap na binatilyo na nabigyan ng pagkakataong manalo sa Indian version ng Who Wants to Be A Millionaire. Kasama sa mga kumanta ng kantang ito ang sikat na sikat na Pussycat Dolls.

Tunay na kahanga-hanga at isang kayamanan na maituturing nga mga inmates na ito. Sana ay makatulong din sa pagrereporma sa kanila ang kakaibang pamamaraan na ito. Saludo kami sa inyo mga inmates at sa lahat ng namumuno sa CPDRC!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: