Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, June 12, 2009

June 12, 2009: Araw ng Kalayaan pero Nasaan ang Kalayaan?

The only sure bulwark of continuing liberty is a government strong enough to protect the interests of the people, and a people strong enough and well enough informed to maintain its sovereign control over the government. - Franklin Delano Roosevelt



Bayan Ko/Lupang Hinirang (My Country/The Land That I love)

Taon-taon na lang natin pinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan pero hindi ba natin naitanong kung may saysay pa nga ba na ipagdiwang ito? Naantig ako sa sinabi ni Chief Justice Renato Puno na kung hindi rin lang daw magbabago ang sambayanang Filipino ay wala ng saysay na ipagdiwang ang bawat June 12 bilang Araw ng Kalayaan. Ang kalayaan ay higit pa sa pagsasabit ng watawat, ito ay higit pa sa mga palatuntunan at programa sapagkat ang tunay na kalayaan ay isang kalayaang sumasaklaw sa kabuuan ng ating bansa. Sa isang bansa na kung saan ang halalan ay pinapatakbo ng pera at kung saan patuloy na ginagago ng mga pulitiko ang taumbayan paano ka pa magkakaroon ng tunay na kalayaan? Panahon na upang tayo ang maging solusyon!

Sabi ni Manuel Quezon noon mas nanaisin pa raw niya ang isang Pilipinas na pinapatakbo na parang impiyerno ng mga Filipino kesa isang PIlipinas na pinapatakbo na parang langit ng mga dayuhan... makaraan ang napakaraming taon ng kasarinlan, ito nga ba ang nangyari?

Malaki ang kinalaman ng susunod na halalan sa tatahaking landas ng ating bayan. Ang halalan ng 2010 ay isang sukatan kung saan patutungo ang Pilipinas. Ang pagpili ng mamamayan sa kanyang susunod na lider ay may malaking kinalaman sa kanyang kinabukasan. Para sa akin panahon na iba naman ang mamahala sa ating bansa at panahon na upang baguhin ang sistemang ating nakagisnan sa pulitika.

Ngayong June 12, 2009 ating ipangako sa ating sarili na tayo ang magiging simula ng pagbabago sa ating bansa at hindi na tayo magiging makasarili lamang. Ang tunay na kalayaan ay dapat na nating makamit.


BAYAN KO - FREDDIE AGUILAR


Panahon na ng pagbabago! Panahon na upang maging psitibo! Tama na ang pagpapabagsak sapagkat panahon na ng pagtatayo ng isang bagong Pilipinas.

Maligayang Araw ng Kalayaan 2009!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: