Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, June 22, 2009

Muling Pagala-ala sa Isang Guro (A Trubute to a Teacher)

Kahit may katagalan na ang artikulo at pagala-ala na ginawa kong ito ay nais ko muling iparating ang aking taus pusong pagkilala at pasasalamat kay Sir Jose Ma. Epino... isang huwaran at natatanging guro ko noong nasa kolehiyo ako sa Leon Guinto Memorial College (LGMC) sa Atimonan, Quezon...

"Inspiration comes to us slowly and quietly... prime it with a little solitude" These were the word of Brena Ueland which for me is what Sir Teteng Epino had been to me.

Nang una kong makita si Sir Epino sa LGMC ay hindi kami ganun kaclose. Nagkakausap, minsan nagpapalitan ng ideas pero hanggang dun lang. Naging teacher ko sya sa mga subjects na marketing at madalas ay niloloko namin sya kasi nga namimis pronounce nya ang ilang mga words pag English na. Asar din kami kasi sabi namin kakaibang mag grade si Sir Epino at hindi namin alam kung patas nga ba syang mag grade. Yun ang mga una kong pananaw kay Sir.

Pinaka hindi ko makakalimutan ay yung insidente na nangyari sa subject na "National Issues and Debate" na kung saan nasabi ni sir na "Bobo" raw ang mga Filipino so tinanong ko sya kung Filipino sya at sabi naman nya ng may pagmamalaki na oo raw. Kaya sabi ko naman ay, "E di sir bobo rin kayo." Tandang-tanda ko nun kung paano nagalit si sir subalit yun din ang naging simula ng mas pag-uusap namin at mas pagiging close. Mas nakilala ko si sir at isa sya sa naging inspirasyon ko sa mga ginagawa ko ngayon.

Malalim ang mga pananaw ni Sir Epino sa buhay. Dedicated syang guro na kahit ang kawalan ng kuryente ay hindi makapipigil para turuan nya ang kanyang estudyante. Marami ang naiinis sa kanya dahil dito subalit simple lang naman ang sagot kung bakit sya ganito... yun ay sapagkat gusto niyang matuto ang mga estudyante niya.

Naalala ko ng ginawa kong Ninong ng anak kong babae na si Dara si Sir Epino at tuwang-tuwa sya ang hindi alam ni Sir ginawa ko ito sa sobrang paghanga sa kanya. Sa totoo lang bihira ang mga gurong gaya niya.

Sa mga naging estudyante nya na tulad ko at mga kasama sa trabaho isa lang ang masasabi ko maaaring hindi natin lubos na maunawaan ang mga pamamaraan nya pero isa lang ang sigurado ko ang puso nya ay nakalaang maglingkod at magsilbi ng tapat.
Si Mr. Jose Ma. Epino, ay isang inspirasyon, isang dakilang guro at isang huwaran sa kanyang sariling pamamaraan.

Paalam aking Guro... hindi kita makakalimutan sapagkat naging bahagi ka ng aking buhay.

Salamat Sir!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: