Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, June 18, 2009

Panahon na ng Pagbabago: Nicanor Perlas Ikaw Nga Ba?

Sa dami ng mga gustong maging pangulo ng Pilipinas at sa dami ng mga matutunog na pangalan, nasaan si Nicanor "Nick" Perlas bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2010? Sa pinakahuling SWS Survey ay nangunguna si Manuel "Manny" Villar bilang paborito ng mga mamamayan sa darating na halalan at sinundan ito nina Bise Presidente Noli de Castro at Senador Mar Roxas. Makakaya ba ng isang Nick Perlas at ng panawagan ng pagbabago ang mga botanteng Filipino?

Sa buong kasaysayan ng botohan ay wala pang nananalo sa ating bansa na isang kandidato na hindi namayagpag sa mga surveys at polls. Wala pa rin nananalong pangulo na hindi sikat at hindi gumastos ng milyon milyon sa mga advertisements at mga pinamimigay sa mga botante. Si Nicanor Perlas kaya ang babago sa ganitong realidad sa ating halalan.

Pagbabago at isang bansa na mas tumutugon sa mga tunay na pangangailangan ng mamamayan at nagmamahal sa kalikasan, iyan ang sa tingin ko ay nilalalman ng kampanya ng isang Nik Perlas. Isang kampanya para muling tuklasin ang ating pagkatao at muling angkinin ang ating pagkamamamayan at pagiging makabansa.


Nicanor Perlas Speaks at Pepe Goes to Market


Pagbangon mula sa kahirapan, pagkakaroon ng disiplina, pagiging mapagmahal sa bayan at kultura, pagpapaigting ng bayanihan, pagmamahal sa kapwa, pagtakwil sa katiwalian, pagmamahal sa kalikasan... iyan ang ilan lang sa mga ugat na pagbabagong nais kong marating ng ating bansa at mamamayan at sa aking tingin ay ang mga iyan din ang ilan sa mga hangarin ng isang Nicanor Perlas.

Ang tanong ikaw nga ba Nicanor Perlas ang susi at daan? Ang sagot ko ay hindi. Hindi si Nicanor Perlas ang susi sapagkat kahit siya manalo, anuman ang kanyang nais gawin kung hindi tayo magbabago at tutulong sa pagbabago at kabutihang kanyang nais gawin ay wala rin namang magbabago.

Ang susi kung ganun marahil ay TAYO at isang namumuno na katulad ni NICANOR PERLAS.

Magsama-sama tayo at buuin ang isang pangarap para makamit na ng ating bansa ang tunay na potensyal at lugar niya sa kasaysayan at sa mundo.

Iniimbitahan ko kayong makiisa sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Magpadala ng mensahe ng pagsuporta (Send a message of support and encouragement directly to Nicanor "Nick" Perlas) sa npperlas@gmail.com

2. Kung may Friendster ka sumali sa NICANOR PERLAS FOR PRESIDENT Friendster group.

3. Kung nasa facebook ka naman sumali ka sa NICANOR PERLAS FOR PRESIDENT Facebook group. Isama na rin ang NICANOR PERLAS FOR PRESIDENT CAUSE at FAN PROFILE.

4. Mag log-in at suportahan ang Official Nicanor Perlas website at www.nicanorperlas.com

5. Umamambag, sumali at tumulong sa Youth for Nicanor Perlas at www.nicanorperlas.org

6. Magsulat ng mga artikulo ukol kay NICANOR PERLAS at ipadala sa phil_lenin@yahoo.com. Pwede nyo rin itong ilathala sa inyong mga website at blog at ipadala sa amin ang url.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: