Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, June 5, 2009

Saludo sa DepEd at G-Watch para sa Textbook Walk


Isang pagsaludo sa Department of Education (DepEd) at Government Watch (G-Watch) ng Ateneo School of Government sa muling pagpapakita ng kanilang kakayahang gumawa ng mga hakbang upang mas mapagbuti ang estado ng pag-aaral ng mga batang Filipino sa pamamagitan ng Textbook Walk. Kasama ang reporter na si Sandra Aguinaldo binaybay nila ang mabulubundiking lugar papunta sa isang paaralang pang-elementarya sa Sultan Kudarat kung saan mga katutubong Manobo at Tiruray ang nag-aaral. Ilang bundog at ilog ang kailangan tawirin upang maihatid lamang ito.

Ang Textbook Walk ay bahagi ng Textbook Count na programa ng G-Watch noong 2006 at isinama na rin sa programa ng DepEd officially noong 2007. Hinihikayat ng programa ang mga komunidad, indibidwal at organisasyon na tulungan ang DepEd para maihatid ang mga aklat sa mga malalayong paaralang pang-Elementarya.

While it's good there are celebratory efforts such as Textbook Walk, there is a need to address, not the scarcity (because I believe the books are not scarce), but the inequitable distribution of textbooks. There is also a need to diagnose why despite the rigid evaluation system of DepEd, there are still erroneous textbooksbooks reaching the public schools.


Ito ang sabi ni Joy Aceron ng Political Science Department, School of Social Sciences ng Ateneo School of Government at kasama rin sa G-Watch. Sang-ayon ako na marami pang bagay na dapat gawin subalit nakakagalak at dapat suportahan ang mga pangunahing hakbang na tulad ng Textbook Count at Textbook Walk upang sa gayon ay mabago ang kamalayan nating lahat.

Salamat at isa mulung pagsaludo sa G-Watch at DepEd!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: