Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, June 22, 2009

Sino nga ba ang dahilan ng paghihirap ng Pilipinas?

Matagal ding nanatili sa Pagod Ka Na Bang Maging si Juan ang ating tanong sa ANO SA PALAGAY MO? na "Sino nga ba ang dahilan ng paghihirap ng Pilipinas?". Ang tanong po na ito ay binotohan ng mga bumibisita sa ating blog at ang nangungunang sagot ng 50.3% sa kanila ay.... ANG MGA PULITIKO ANG DAHILAN NG PAGHIHIRAP NG PILIPINAS. Sa kanila marahil palagay ay sila ang mga nangungunang umuubos ng yaman ng ating bansa sa pamamagitan ng korupsyon at pagkulimbat sa milyon-milyong pondo ng pamahalaan. Sabi nga ng isang pagsisisyasat mahigit sa 30% ng taunang budget ang nawawala dahil sa katiwalian. Subalit sa kabila nito 40.1% pa rin ng mga lumahok ang nagsabi naman na TAYONG MGA PILIPINO ANG DAHILAN NG PAGHIHIRAP NG PILIPINAS.

Ang ating kawalan ng disiplina at paguudyok samga lumalahoksa halalan ang ilan sa mga maaaring dahilan ng ating pag-ambag sapaghihirap ng ating bayan. Tuwing halalan ay marami sa atin ang nagsasamantala sa mga kandidato upang hingan sila ng pera sa iba't-ibang paraan at hindi ako exempted dyan. Yun nga lang sabi ko depende yan sa rason ng paghingi ng tulong at sa kahalagahan nito.

Pangatlo sa listahan ng dahilan ng paghihirap ng ating bansa ay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Sinabi ng 30.1% ng mga bumoto na SI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO ANG DAHILAN NG PAGHIHIRAP NG PILIPINAS. Dahil na rin siguro ito sa sangkatutak na katiwalian na kinasangkutan ng pangulo at ng unang ginoo sa mga nakalipas na taon. Kasama na rin dito ang pagkabigo ng mga mamamayan sa mga inasahan nila sa pagkaluklok ng pangulo noong 2001 matapos mapatalsik si dating Pangulong Erap Estrada.

Ilan pa sa mga tinukoy na DAHILAN NG PAGHIHIRAP NG PILIPINAS ay ang mga sumusunod: United States, 8.4%; Simbahan, 6.6%; Hindi naman tauo mahirap, 4.8%; mga walang pakialam, 2.4%; at mga Overseas Filipino Workers (OFW), 1.2%.

Ang poll ay nilahukan ng 167 na bisita ng Pagod Ka Na Bang Maging si Juan? Sa mga nais pa pong bumoto narito ang nasabing poll...




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

mary grace said...

mga pngit