Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, June 25, 2009

Tatlong Dekada ng Eat Bulaga (3 Decades of Eat Bulaga)

Tatlong dekada (30 years) na ang Eat Bulaga!

Mas matanda lamang ako ng isang taon sa tinuturing na pinakamatandang noon time show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga. Nagsimulang umere ang Eat Bulaga noong 1979 bilang pantapat sa nangungunang palabas noon ang Student Canteen nina Eddie Elarde na pinalalabas sa Channel 7 ng mga panahong iyon. Sikat na sikat ang Student Canteen na kung saan sina Eddie Elarde, Bobby Ledesma at Pepe Pimentel ang mga pangunahing host. July 30, 1979 ng ilunsad ang Eat Bulaga sa Radio Philippines Network sa Broadcast City, Diliman, Quezon City. Hinugot mula sa Student Canteen si Chiqui Hollman at kinuha sina Tito, Vic and Joey kasama si Richie d' Horsie bilang mga unang host ng programa. Si Joey de Leon naman ang nagbigay ng pangalang Eat Bulaga para makuha ang atensyon ng lahat ng klase ng mamamayang Pilipino. Isang taon lamang sana ang itatagal ng Eat Bulaga noon sapagka't binigyan na ito ng huling episode noong 1980. Dito biglang nagclick ang patimpalak ng Eat Bulaga na "Macho Man" na kung saan siyang nagbigay sa Eat Bulaga ng karangalan bilang "top rating noon time show" hanggang sa ngayon.

Ilan pa sa mga nakuha ng Eat Bulaga mula sa Student Canteen na host ay sina Coney Reyes at Helen Vela. Nagsimula kong panoorin ang Eat Bulaga noon sa Channel 9 noong mga bandang 1985 dahil na rin sa ganda ng palabas na ito. Kasama kong inaabangan noon ang Agila.

Eto naman po ang Original Song ng Eat Bulaga:



Eto naman po ang klasikong kuha mula sa 2nd Year Anniversary ng Eat Bulaga noong 1981.




Tito, Vic and Joey Production Number in Eat Bulaga 1983


Nakakatuwang panoorin na ang laki ng kaibahan noon. Mga bumbilyang kumikislap at nagpapatay sindi pa noon ang effects tapos makita pa natin sa video sa taas ang mga Metrocom tapos may Superwheel pa. Iba talaga ang dating ng TVJ ika nga.

Noong 1989 dahil sa sequestration ng RPPN 9 ay lumipat ang Eat Bulaga kasama ang iba pang palabas ng TAPE na Agila, Coney Reyes on Camera and Okey Ka Fairy Ko!. Ang naging paglipat ng Eat Bulaga ang sinasabing nagsimula ng muling paglakas ng ABS-CBN noon. Sa mga nakalipas na taon na sinubukang kalabanin nila ang Eat Bulaga ay nabigo sila. Ilan sa mga palabas na ipinangtapat dito ay ang "Kalatog Pinggan" at "Sang Linggo nAPO Sila". Ang pinakaunang palabas ng Eat Bulaga sa ABS-CBN ay ginanap sa Araneta Coliseum noong February 18, 1989.


Eat Bulaga 10th Anniversary Celebration 1989


Naging malaking tulong naman ang pamamayagpag ng Eat Bulaga upang maging numero unong sendor noong 1992 si Tito Sotto at nakapaglingkod siya bilang senador sa loob ng 2 termino mula 1992 hanggang 2004. Kahit na isang senador ay sinigurado pa rin ni Tito na hindi siya mawawala sa Eat Bulaga.

Noong January 21, 1995 ay muling nasaksihan ang paglipat ng Eat Bulaga sa pangatlong tahanan nito at tahanan hanggang sa kasalukuyan. Ipinalabas ang Eat Bulaga sa GMA 7 live mula sa Araneta Coliseum pagkatapos mabigo ang mga negosasyon sa ABS-CBN na nagtangkang bilhin ang right nito mula sa TAPE nina Tony Tuviera and Malou Choa-Fagar. Dahil sa kabiguang ito ay pinatalsik ang Eat Bulaga noon kasama na ang Valiente at Okay Ka, Fairy Ko.

Ipinagdiwang ng eat Bulaga ang kanyang ika-25 na Anibersaryo noong October 2004 sa Expo Amphitheater in Clarkfield, Angeles City, Pampanga. Dinaluhan ito ng humigit kumulang na 60,000 taon at nagtala rin ng pinakamataas na "daytime Rating" sa Pilipinas. Ang espesyal ring ito ang nagbigay sa Eat Bulaca ng kauna-unahan nitong Asian Television Awards sa Singapore noong December 1, 2005. Ito rin ang tinuturing na pinaka matagumpay na kaganapang pangtelibisyon sa kasaysayan ng bansa.

Bago ang selebrasyon ay nagbigay pa ang GMA ng isang Eat Bulaga Silver Special noong November 2004 na kung saan sina Rhea Santos at Arnold Clavios (isang dating contestant sa Eat Bulaga) ang nagsilbing mga hosts.

Ngayong taong ito matatapos ang kontrata ng Eat Bulaga sa GMA 7 at ngayong taon ding ito ipinagdiriwang ng Eat Bulaga ang kanilang ika-30 taon o tatlong dekada ng pangunguna sa telebisyon. Isa na ngang tunay na institusyon ang Eat Bulaga na nagpsikat sa maraming mga baguhang artista. May mga kinamatayan na ang pagiging isang dabarkads tulad nina Francis Magalona (1995-2009), Helen Vela (1986-1991), Rio Diaz (1990–1996) at Robert M. (1996-1997). Binago ng Eat Bulaga ang pamamaraan at pagkakakilala sa isang noon-time variety show at magpahanggang sa ngayon ay patuloy nila itong binabago at pinapaganda.

Bilang pagtanaw sa tatlong dekada ng Eat Bulaga ay kumuha ng 30 scholar ang Eat Bulaga upang tulungan at pag-aralin ng sekundarya at malay natin maging ng kolehiyo. Marami na silang napasaya at natulungan mula noong 1979 hanggang sa ngayon.

Hindi natin alam kung hanggang kailan mananatili ang Eat Bulaga pero iisa lang ang masasabi ko wala nang makakahigit pa sa kanila. Kung mawawala man sila ay kikilalanin na sila bilang haligi ng telibisyon sa ating bansa.

Narito po ang mga naging dabarkads ng Eat Bulaga sa 30 taon nitong pagbibigay kasiyahan sa pamilyang Pilipino:

Co-Hosts

* Jimmy Santos (1980-present)
* Keempee de Leon (1989-present)
* Ruby Rodriguez (1989-present)
* Anjo Yllana (1995-present)
* Allan K. (1995-present)
* Toni Rose Gayda (1995-present)
* Kitty Girls (Reccurring, Wednesday and Saturday)
* Jose Manalo (2002-present)
* Pia Guanio (2004-present)
* Daiana Menezes (2007-present)
* Lougee Basabas (2008-present)
* Pauleen Luna (2005-present)
* Ciara Sotto
* Wally Bayola
* Julia Clarete
* Paolo Ballesteros
* Kim Idol (2009-present)
* Jeffrey "Mr. FU" Espiritu (Fridays)) (2009-present)
* SexBomb Girls (Reccurring, Monday & Friday)
* Michael V. (Tuesday, Friday, Saturday)
* EB Babes (Reccurring, Tuesday, Wednesday, Thursday, Saturday)

Previous/Guest co-hosts

* Chiqui Hollman (1979–1988)
* Tessie Tomas (1981-1987)
* Debraliz Valasote (1981-1995)
* Coney Reyes (1982–1991)
* Pops Fernandez (1983-1984)
* Sharon Cuneta (1983-1984)
* Helen Gamboa (1985-1986)
* Charo Santos (1986-1987)
* Aiza Seguerra (1987-1995)
* Millette Advincula (1987-1995)
* Kris Aquino (1988-1989)
* Ogie Alcasid (1988-1989)
* Plinky Recto (1988-1989)
* Lani Mercado (1988-1989)
* Nova Villa (1989-1995)
* Carmina Villaroel (1989-1995)
* Angela Luz (1989-1995)
* Lady Lee (1989-1995)
* Ces Quesada (1990-1995)
* Christine Jacob (1990-1995)
* Sunshine Cruz (1995-1996)
* Grasya (Samantha Lopez) (1995-1997)
* Vanna Vanna (1995-1997)
* John Prats (1995-1997)
* Jericho Rosales [1995-1997]
* Ruffa Gutierrez (1995-1997)
* Fire (Ana Garcia & Soraya Sinsuat) (1995-1997)
* Inday Garutay (1995-1997)
* Rey Pumaloy Aminin segment (1995-1997)
* Donita Rose (1996-1997, 2002-2003)
* Onemig Bondoc (1996-1997)
* Mickey Ferriols (1996-1997)
* Robin da Roza (1997-1998)
* Illac Diaz (1997-1998)
* Lana Asanin (1999-2000)
* Gladys Guevarra (1999-2007)
* Lalaine Edson (2000)
* Kristine Florendo (2000-2001)
* Joyce Jimenez (2001-2002)
* K Brosas (2001–2003)
* Jaya (2001-2005)
* Sugar Mercado (2001–02, 2004–07)
* Dingdong Dantis (impersonator 2001–2003)
* Iza Calzado (2002-2003)
* Toni Gonzaga (2002-2005)
* Janno Gibbs (2002–2007)
* Teri Onor (2002-2007)
* BJ Forbes (2004-2008)
* Edgar Allan Guzman (2006–2007)
* Mark Ariel Fresco (2006–2007)
* Ryan Julio (2006–2007)
* Cindy Kurleto (2006-2007)
* Twinky (Virtual-host On The Spot) (2006-2008)
* Ariani Nogueira (2007)
* Ho and Ha (2007-2008)
* Ariana Barouk (2008)
* Patani DaƱo (2008)
* Alicia Mayer
* Angelu De Leon
* Cogie Domingo
* Isabel Granada
* Michelle van Eimeren
* Sunshine Dizon
* Bea Bueno
* Bobby Andrews
* Camille Ocampo
* Danilo Barrios
* Dindin Llarena
* Leila Kuzma
* Marvin Valdoria
* Sherilyn Reyes
* Stefanie Walmsley
* Steven Claude Goyong
* Bikoy Baboy (EB mascot)
* Nadine Schimdt (2009-2002,winner, TV Babes)
* Aji Estornino (2002,TV Babe Winner)
* Lana Jalosjos (a.k.a Lana J. or Svetlana)
* Gemma Neque Fitzgerald (2000-2002,TV Babes Runner-up)
* Donna Cruz

Para sa iba pang impormasyon pwede nyong bisitahin ang Eat Bulaca.TV!

Eto pa po ang ilan pa sa mga video ng Eat Bulaga na ating patuloy na minamahal (Eat Bulaga Classic Videos)


Eat Bulaga TVJ Anniversary 1983


Aiza Seguerra during Eat Bulaga's Little Miss Philippines


Aiza Seguerra Production Number


Eat Bulaga - 6th Year Anniversary - Classic


Eat Bulaca - Ruby Rodriguez


Eat Bulaga - 80s Dance Contest


Eat Bulaga Grand Fiesta in Los Angeles, California USA - Opening Rehearsal in Front Center Stage! - Taken by Ray Almeda


Eat Bulaga!!! TVJ (1987 8th Anniv)


Eat Bulaga - Jericho Rosales


Eat Bulaga A song for Francis M





Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Orap09 said...

astig talaga sila....