Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, July 22, 2009

Ang Kasaysayan ni Mang Pandoy: Mahirap Magpakailanman

Taong 1992 ng una nating makita si Felipe Natanio, o mas kilala bilang "Mang Pandoy" Siya ang naging salamin ng kahirapan ng bayan noon at ipinakilala pa ni dating Pangulong Ramos sa kanyang kauna-unahang SONA at inagurasyon. Taong 1998, pumanaw si Mang Pandoy sa isang barong-barong na tumutulo at hindi alam kung saan kukuha ng mga panggastos. Ipinanganak na mahirap... namuhay na mahirap at namatay na mahirap. Iyan ang kasaysayan ni Mang Pandoy at iyan din ang kasaysayan ng maraming Filipino. Umasa sa pangako, pinakitaan ng konti at pagkatapos ay itinapon. Ito ang salamin ng katotohanang nangyayari sa ating bansa.

Marami ang dumalaw sa burol ni Mang Pandoy kasama na si Sen. Mar Roxas. Nagpa photo ops, nagsalita ng maganda at pagkatapos ay umalis. Kung sana tumulong sila at bumisita ng siya ay buhay pa. Si dating Pangulong Ramos naman ay nagpadala ng sampung libong piso.

Nawala ang dating ningning ng misan ay kilalang kilalang si Mang Pandoy. Noon isa siyang modelo ng katatagan at dedikasyon na makaahon sa kahirapan pero ngayon wala na itong lahat maliban sa isang ala-ala mula sa isang dyaryo na nagsasabing "Ang Pandayan ni Mang Pandoy". Ang palabas na ito ay namayagpag sa People’s Television Network 4 (National Broadcasting Network-4), at kinansela rin matapos na mawala na ang interes ng tao sa kanya.

Naging adviser din sa House of Representatives si Mang Pandoy pero pagkatapos ng tatlong taon ay sinabihan siyang huwag ng pumasok. Nakataangap ng scholarship ang kanyang mga anak para mag-aral pero dahil mahirap at walang panggastos sa iba pang gastusin ay hindi rin nakatapos ang mga ito.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV


Ang buhay ni Mang Pandoy ang naging larawan ng pamamaraan ng kasalukuyang sistema ng pagsolusyon sa problema ng kahirapan. Pagpapakitang tao at pagbibigay ng solusyon na hindi naman pangmatagalan. Gumaganda ang buhay sa simula pero sa kalaunan ay bumabalik din sa pinanggalingan.

Ito ang paraan ng pagtingin sa isang problema na hindi tinitingnan ang ugat at hindi inaalam kung ano nga ba ang tunay na problema. Si Mang Pandoy ang larawan ng kasalukuyang bulok na sistemang pulitikal na kung saan mga tulong na pakitang tao lamang ang nangyayari. Ginagamit at pagkatapos ay tinatapon.

Hindi naman talaga si dating Pangulong Ramos lamang ang dapat sisihin dito sapagka't ang nangyari kay Mang Pandoy ay bunga ng isang sistemang matagal ng dapat palitan. Isang sistema na hindi lamang pulitikal at istruktura ang dapat baguhin kundi maging ang ating mga puso at isipan.

Ilan pa bang Mang Pandoy ang nasa Pilipinas? Ilan pang Mang Pandoy ang nagamit at patuloy na ginagamit? Ngayong darating na 2010 papayag na naman ba tayong maging isang Mang Pandoy?

Ikaw ba kaibigan... ano ang iyong sagot?



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Pocholo Gonzales said...

A typical Filipino story. Alam mo ba kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas? Simple lang, Kasi ayaw umunlad ng ordinaryong Pilipino. Gusto natin, laid back tayo lagi. Simple lang ang buhay, ayaw natin ng mabilis na sitwasyon. Gusto natin naglalakad lang, ayaw nating tumakbo. Tingnan mo sa Makati, dami pa ring squatter. Maghanap ka ng squatter sa Singapore, Korea, Japan, USA, Europe. Gusto natin laging may kakwentuhan, gusto natin laging nakatambay. Gusto natin, may miryenda. Gusto natin ng tsismis. Gusto natin simple lang. Kaya ayan, hanggang ngayon, simple lang tayo. At least hindi tayo gaanong apektado ng krisis, kasi ano pa bang ibabagsak natin. Eh, matagal na tayong bagsak. Ang tanong, Kailan kaya? Ang dami ng dumaang leader, iba iba ang plano, pero walang natupad. Buti pa Ero Plano, lumilipad. Eh and plano, hanggang plano lang. Hay buhay! Sarap manood, parang pelikula o telenovela. Pinapahaba, habang maraming nanonood. Kahit nawawalan na ng saysay ang kwento, wala naman kwenta.

Shen said...

Sa palagay ko kailangan natin ng lider na tuturuan din tayong umunlad at sasamahan tayo sa pag-unlad hindi yung gagamitin lang tayo. Hindi naman siguro ayaw umunlad ng karaniwang Filipino sapagkat naniniwala ako na gusto nila... ang problema kulang sa oportunidad talaga ang karamihan.