Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 31, 2009

Ang Pinoy Kontrabida Character (The Pinoy Villain Character)

Hindi mo ba napapansin na kahit mabuti o magandang balita ay tila palagi na lang ,mag nagsasabi na "Itigil Yan!" o dili kaya ay "May Anomalya Dyan!". Tila ito na ang naging kalakaran natin sa ating bansa. Hindi ba pwede na tulad na lang sa poll automation sa halip na itigil ay ang maging sitwasyon o sigaw ay, "Paano ba kami makakatulong para masigurado na magiging maayos at malinis ang halalan?" Lahat gustong magpasikat at lahat ay gustong sumikat.

Magandang balita para sa akin at siguro gayundin para sa mga Filipino na sa wakas ay autmated na rin ang ating halalan at madali nating malalaman ang resulta. Napakatagal itong hinintay ng bawat Filipino... pero ngayon marami ang gustong magpatigil nito kasi maanomalya raw. Wala bang bagay dito sa ating bansa na maanomalya? Hindi ba tayo pwedeng magtiwala at tumulong na lang?

Crab Mentality, iyan ang ating pinaiiral palagi. Hindi ko naman sinasabi na fool proof ang automation kasi wala namang perpekto talaga sa Information Technology at lahat ay pwedeng mahack. Kahit nga ang pinaka secured na computer sa Estados Unidos ay nahahack. Masyado tayong perfectionist na tila ba ang bawat nagrereklamo ay walang puwing sa mata.

Oh wait lang, baka naman sasabihin mo, "Ganyan ka rin naman Shen, di ba? Puna ka ng puna at putak ng putak." Ako po ay nagpapahayag lamang ng aking opinyon sa kagandahan at maaaring kapangitan ng isang bagay.

Tulad na lang sa panawagan na isapubliko raw ang source code ng automation program. Aba eh sino bang matinong kumpanya ang magsasapubliko ng kanilang source code? Mabuti sana kung open source software yan. Akala ko ba gusto natin na secured at hack-free tapos may mga nanawagan na isapubliko ang source code... Malaking kalokohan!

Ngayon naman itong Concerned Citizens Movement (CCM), ay naghahabol ng TRO para ipatigil ang pagbayad ng COMELECT sa Smartmatic - TIM dahil daw flawed ang maraming bagay. Aba hindi ba dumaan sa bidding yan? Hmmm... di kaya kasama ninyo ang mga natalong bidder at nanunulsol sapagka't bitter sila.

Sabi nga sa eleksyon daw sa Pilipinas walang natatalo. Bakit? Aba eh dalawa lang daw kasi yan... ang panalo at ang nadaya. Pag panalo, masaya at pag natalo ay nadaya. Tila wala tayong kakayahang tumanggap ng nangyari, magpatawad at mag move on. Paulit-ulit tayong bumabalik sa nakaraan kaya hindi rin tayo umasenso.

Sige ipatigil ninyo ang automation tapos sa susunod na halalan ay magpa bid ulit tapos ipatigil tapos magpa bid tapos ipatigil tapos magpa bid... walang katapusang cycle ang mangyayari at sa pinakahuli hindi kailanman maging automated ang election.

Pwede ba kung may problema sa sistema ay pag-usapan at pagandahin sa halip na ipatigil ang automation. Sawang-sawa na ako sa mano-manong eleksyon na makupad at nadadaya.

Ang katotohanan dito marami ang mawawalan ng raket sapagkat hindi na sila kikita sa pandaraya sa darating na 2010.

HOY GISING!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: