Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 24, 2009

Magkaisa at Iboto ang Puerto Princesa Subterranean River sa New 7 Wonders of Nature

Ito na ang huling yugto ng laban na kinakaharap ng >Puerto Princesa Subterranean River sa New 7 Wonders of Nature. Mula sa ilang libong kalahok noong 2007 patungo sa huling 77 na kalahok at ngayon nga ay kasama na ito sa 28 Finalist ng New 7 Wonders of Nature. Mabibigat ang kalaban nito at kasama na dyan ang Amazon River, Great Barrier Reef, Grand Canyon at Galapagos Island, Dead Sea at Mt. Kilimanjaro na para sa akin ay mga pinakamalalakas sa 28 finalists. Ibig sabihin nito may 2 slots pa na bukas para sa napakagandang ilog na ito na tumatagos sa malawak na yungib sa Palawan.


Video NEW7WONDERS FINALIST Puerto Princesa Subterranean River


Inaanyayahan po namin kayong lahat na >IBOTO AT SUPORTAHAN ANG PUERTO PRINCESA SUBTERRANEAN RIVER (Please support and vote for Puerto Princesa Subterranean River). Pagkakataon na nating ipahayag sa mundo ang ganda ng Pilipinas.

Sa ating mga kababayang OFW at sa iba pa pwede rin kayong bumoto sa pamamagitan ng inyong telepono (Vote for Puerto Princesa Subterranean River via Phone). Narito ang instructions:

1. Dial this international telephone number: +41 77 312 4041
2. At the end of the message, after the tone, insert the 4 digit code for your chosen nominee
3. When you hear the thank you message, you are all done - you have voted by telephone !

To VOTE FOR PUERTO PRINCESA SUBTERRANEAN RIVER, telephone the international voting line, listen to the message, wait for the tone and then insert code 7723.

Para sa iba pang kaalaman sa pagboto sa pamamagitan ng telepono bumisita sa www.vote7.com

Kasama sa mga nahirang na Finalist ng New 7 Wonders of Nature ang mga sumusunod: (1) 1. Amazon River; 2. Angel Falls, Venezuela; 3. Bay of Fundy, Canada' 4. Black Forest, Germany; 5. Bu Tinah Shoals, United Arab Emirates; 6. Cliffs of Moher, Ireland; 7. Dead Sea, Palestine; 8. El Yunque, Puerto Rico; 9. Galapagos, Ecuador; 10. Grand Canyon, United States; 11. Great Barrier Reef, Papua New Guinea and Australia; 12. Halong bay, Vietnam; 13. Iguazu Falls, Brazil and Argentina; 14. Jeita Grotto, Lebanon; 15. Jeju Island, South Korea; 16. Kilimanjaro, Tanzania; 17. Komodo, Indonesia; 18. Maldives; 19. Masurian Lake District, Poland; 20. Matterhorn/Cervino, Switzerland and Italy; 21. Milford Sound, New Zealand; 22. Mud Volcanoes, Azerbaijan; 23. >Puerto Princesa Underground River, Philippines; 24. Sundarbans, India and Bangladesh; 25. Table Mountain, South Africa; 26. Uluru, Australia; 27. Vesuvius, Italy; 28. Yushan, Chines Taipei

Para sa higit pang kaalaman at mga impormasyon bumisita lamang sa www.new7wonders.com.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: