Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 17, 2009

Mananalo Ba Ang Hindi Kilala sa TV, Dyaryo at Radyo?

Mananalo nga ba ang hindi kilalang kandidato? Sa isang bansa na kung saan halos lahat ay nakababad sa gabi-gabing telenobela sa telebisyon o di kaya ay nanunuod ng balita at nag-aabang ng pinakabagong tsismis paano nga ba sa kanila maipakikilala ang isang karapag-dapat na kandidato? Paano mananalo kung hindi sila angat sa survey? Paano mananalo kung hindi sila ini endorso ng isang sikat at kilalang relihiyon?

Atin na lang tingnan ang isang linyang ito mula sa isang balita sa ABS-CBN na nagbalita ukol sa People's Primaries.

Of those in the shortlist, only Puno, Villanueva and Panlilio are figuring in the presidential surveys. And if elections were held today, none of the three would get more than one percent the votes, surveys indicate.


Dito pa lang ay pinapakita ang pananaw na kapag hindi ka angat sa survey ay hindi ka talaga mananalo. Sabagay hindi lang naman sa Pilipinas uso ang survey kundi maging sa ibang bansa lalo na sa Estados Unidos. Ang kaibahan nga lang magkaiba kung tumingin ang tao dito sa atin at sa ibang bansa.

Isa pang pipigil para manalo ang isang kandidatong bago ay ang palakasan ng "ego" o paniniwala sa sarili ng bawat kandidato. Lahat ay naniniwalang magaling sila at ayaw magbigay sa ibang kandidato. Ang daming reform candidates pero magsasama-sama nga ba sila? Sa ngayon ang mga naaaninag na reform candidates ay sina Ed Panlilio, Jesse Rebredo, Grace Padaca, Chief Justice Reynato Puno, Eddie Villanueva, gen. Danny Lim, Nicanor Perlas, Ed Dorotan, Ed Ramos, Pablo Trillana, JC de los Reyes, at Alex Lacson. Sino sa kanila ang kayang manalo?

Pero higit sa tanong kung sino ang kayang manalo ay sino ba ang karapat-dapat iboto at sino ba ang tunay na kailangan ng ating bansa?

Hindi ko sasagutin ang tanong na ito sapagka't sasabihin nyo naman ay bias ako kay Nicanor Perlas... at tama kayo bias nga ako sa kanya. Hindi ako bias dahil kaibigan o kakilala ko sya... bias ako dahil nakita ko sa kanya ang kalidad na dapat sa isang pangulo ng ating bansa.

Magagaling din ang iba pa. Si Gov. Panlilio ay binago ang Pampanga ganun din naman ang mga pagbabago at kabutihang naidulot nina Robredo at Padaca. Napakaganda ng libong naisulat ni Alex Lacson at personal ko rin siyang kakilala. Isa namang karismatiko at masigasig na lider ng relihiyon si Bro. Eddie Villanueva. Si Chief Justice Puno ay naging salamin ng moral force at kabutihang loob ng mga Filipino... kaya para sa akin lahat sila ay mabubuti... pero ang tanong lahat ba sila ay may kakayahan? Kayo na po ang sasagot dito.

Kaya bang manalo ang hindi kilala? Natural HINDI MANANALO ANG ISANG KANDIDATONG HINDI KILALA! Iboboto mo ba ang hindi mo kakilala o alam man lang ang gagawin para sa ating bansa? Natural hindi. Ang layunin ngayon ng mga naniniwala sa kanya ay ipakilala siya sa mga botante at naniniwala ako na kung talagang kwalipikado siya at may kakayahan ay iboboto sya ng mga ito.

Kaya nga lang... madaling makaloko ang mga nakikita sa telibisyon, nababasa sa pahayagan at nakikinig sa radyo. Akala natin totoong totoo pero karamihan dito ay mga pagbabalatkayo lamang.

Suriin nating mabuti ang mga kandidato at pumili ng tama... napakatagal na tayong pinaglololoko ng mga kilalang kandidato!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Anonymous said...

bias ang blog nato.... di kilala ng taong-bayan si nicanor perlas, ba't siya ang may pinaka-taas na boto for pesidentiables??????!!!!!!!!!i don't like this blog!!!!

Shen said...

Ang poll po na yan ay hindi dinadaya at yan ay batay sa mga boto ng mga taong nagpupunta sa blog na ito.

Saka kaibigan dahil ba hindi mo kilala ay ibig sabihin hindi sya kilala ng lahat. Subukan mong basahin kung sino siya at anu na ang kanyang mga nagawa.

Hindi kita masisisi kung ayaw mo sa blog na ito... dahil ba hindi mo nakikita dito ang dapat mo makita?

Hindi kaya ikaw ang bias?