Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, July 6, 2009

May Bagong Umagang Parating sa 2010

"Tayo pong naririto ang mga kinatawan para sa PAGBABAGO. PAGBABAGO po para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa ating gobyerno. PAGBABAGO ng kultura mula sa katiwalian at impluwnesya ng palakasan at lagayan" - Fernando Poe Jr.


FPJ Campaign Video Calling for Change in 2004


Ito ang mga salitang tumimo sa akin sa video na ito na binalikan ko upang siyasatin ang sinasabing tunay na dapat Pangulo ng Pilipinas, si Fernando Poe Jr. Habang nakikinig ako sa kanyang pagsasalita at mga binibitawang prinsipyo ay nagulat ako sapagkat ito ang mga similar na mga bagay na nais iparating ng isang kandidato sa 2010 na halalan.

Nakakakilabot man pero tila totoo na buhay pa ang mga pangarap ni FPJ at may bagong umagang parating. Hindi man pinagtagpo ng tadhana, hindi man personal na magkaibigan pero tila iisa at higit pa ang nais ibigay ng kandidatong ito para sa ikauunlad at ikagaganda ng bansang Pilipinsas.

Hindi ako bumoto para kay FPJ noong 2004 dahil mas pinili ko si Raul Roco pero magkagayonpaman ay alam ko na bukal sa puso at tunay ang hangarin ni FPJ para maglingkod sa mamamayan.

Ngayong 2010 papayag ba tayo na mabigo muli ang ating mga pangarap? Sana po ay huwag na nating biguin ang ating mga sarili at bayan. Magsama-sama po tayo at kilalanin ang ATING KANDIDATO SA 2010.

Pihikan po akong pumili ng isang kandidato sapagkat para sa akin ay sagrado ang aking boto at nag-iisa man ako kapakanan ng bayan ay nakasalalay sa bawat boto. Kung hindi po ninyo iboboto at ipaglalaban ang sa tingin ninyo ay dapat maupong pangulo dahil sa palagay ninyo hindi siya mananalo... kayo po ang talo dito... sapagkat kung ibinoto nyo po sya at iboboto pa ng iba... MANANALO ANG KANDIDATO PARA SA PAGBABAGO.

Ako po alam ko na matutuwas sina Raul Roco at Fernando Poe Jr. kung si Nicanor Perlas ang magiging pangulo ng ating bansa.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: