Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, July 22, 2009

May Kahulugan Pa Ba ang SONA ni Pangulong Arroyo?

May saysay pa ba ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? Hindi ba tila isang palabas na lamang ito? Sa siyam na taong panunungkulan ni PGMA ay tila lalong naghirap ang bayan sa kabila ng tinatawag na artipisyal na pag-unlad na pinapakita ng GNP o Gross National Product. Marahil tumataas ang kita ng mga negosyante subalit lalo namang naghihirap ang ating bayan. Sabi nga ng isang professor ng UST ay sa bawat 1% na pagtaas ng ating GNP ay 9% ang kapalit nito na paglawak ng kahirapan. Sino ba ang dapat sisihin dito si PGMA ba o tayong taumbayan?

Tayo ang nagluluklok ng pangulo at mga opisyal sa pamahalaan at tayo rin ang may kasalanan kung sakaling bulok o kurakot ang mga ito. Karamihan sa atin ay masaya na kung sa panahon ng eleksyon ay maambunan sila ng pero o tulong mula sa mga kandidato kapalit ng boto at ng tatlo hanggang anim na taon na paghihirap ng bayan. Kuntento na tayong bumoto sa mga sikat na kandidato na nakikita sa telebisyon at nagyayabang ng kanilang nagawa na hindi naman natin alam kung totoo o hindi.

Taun-taon ay may SONA. Sa loob ng siyam na taon ay siyam na beses ding nag SONA si Pangulong Arroyo at sa 8 sa 9 na SONA ay lagi niyang binibigo ang taumbayan. Sa mga pangulo mula kay Pangulong Aquino ay siya lamang ang may negatibong rating na umabot sa -31 nitong Hunyo.

Ano pa ba ang sasabihin ni PGMA? Sasabihin niya na umuunlad ang ating bayan at natutugunan niya ang mga pangangailangan ng mamamayang Filipino at pagkatapos ay magbibitbit siya ng isang tao para gawing halimbawa? Ganito na lang ba ang SONA? Ilan pa bang Mang Pandoy ang mabibiktima ng huwad na mga pangako?

Nakakasawa ng makinig ng SONA! Nakakasawa ng umasa sa mga nakaupong pulitiko sa kasalukuyan! Siguro dapat na umaksyon na tayo at magising na hindi lamang ang pangulo o ang mga nakaupo ang dapat magpatakbo ng ating bansa kundi DAPAT TAYONG MAKIALAM!

Ang halalan ng 2010 ang ating sandata. Sana po ay huwag na tayong paloko at magi tayong mabusisi sa ating pagboto at pagpili.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: