Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, July 22, 2009

Mga Independent Films Na Dapat Abangan at Panuorin

Muling namumukadkad ang pelikulang Filipino sa pamamagitan ng mga Independent Films o Indie Films o kung minsan ay tinatawag din na Digital Films. Hindi nga ba at umaani na ito ng sangkatutak na mga parangal sa ibang bansa kasama na ang sa Cannes Festival at kung anu-ano pa.



Isa sa mga kaabang-abang na Indie Film ay ang kinatatampukan ni Janice de Belen na "Last Viewing". Ang pelikula ay isinulat ni Romualdo Avellanosa at sa direksyon ni Ronaldo Bertubin (Sikil, Kurap, Lovebirds). Gagampanan ni Janice de Belen ang papel bilang Laura Estrella, isang supervisor ng funeral parlor o crematorium. Siya yung nagsasabi ng “Last viewing na po!,” sa mga tao hanggang sa dalhin na ang bangkay para sunugin sa crematorim. Naging pamilyar na sa kanya ang mukha ng kamatayan kaya halos wala na syang emosyon ng mamatay ang kanyang ama pero magbabago ba ito nang ang kanyang sariling anak na ang mawala? Kasama ni Janice de Belen sa pelikula sina Sherwin Ordoñez at Leandro Baldemor.

Narito pa po ang ilang kaabang-abang na Filipino Independent Films...

"Boses (The Voice)" ay isang opisyal na pelikula para sa kampanya ng UNICEF Philippines na "Stop Violence Against Children".


"Boses" Trailer 2 Cinemalaya 2008


Serbis (Service). Ito na siguro ang pinaka kontrobersyal na pelikula sa 2009 Cannes Film Festival. Ang pelikula ay sa panulat ni Armando 'Bing' Lao at sa direksyon ni Dante 'Brillante' Mendoza. Kabilang sa mga artista sa independent film na ito sina Jaclyn Jose, Gina Pareño, Dan Alvaro, Julio Diaz, Coco Martin, Kristofer King, at Mercedes Cabral.


Serbis Official Trailer


Tambolista (Drumbeat) ay isa namang pelikulang pinagbibidahan ni Jiro Manio na unang nakilala sa pelikulang Magnifico. Nakilala rin ang independent film na ito sa ibang bansa at nagkaroon ng 10 nominasyon sa Gawad Urian. Sinulat ni Ave Regina Tayag at sa direksyon ni Adolfo B. Alix, J


TAMBOLISTA (Drumbeat) - Full Trailer


Dose (Twelve). Bagamat sensitibo ang tinatalakay ng pelikulang ito at hindi para sa mga bata ay isa pa rin itong independent film na dapat panoorin. Sumasalamin sa tunay na tagpo ng buhay na nangyayari at dapat aksyunan at tugunan ng ating lipunan.


Dose (Twelve) Full Trailer : X-Rated by The Philippine Censors


Hanggang dito na lang at hanggang sa susunod na pagpapakita natin ng mga Independent Filipino Films. Salamat po!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: