Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, July 19, 2009

Mga Website Para sa Halalan 2010 (Website and Blogs on 2010 Philippine Elections)

Ngayong araw na ito ay nagbasa ako ng isang post tungkol sa Halalan sa 2010 at doon nakalista ang ilang website na pwede nating makuhaan ng impormasyon ukol sa mga gustong maglingkod sa ating bayan sa 2010. May mga bagay nga lang na nakakadismaya na kung saan ang ilang website ay hindi "updated" at malaking dismaya ito. Bakit? Sapagka't kung ito ang titingnan at pagbabasehan ng tao ay nagbibigay na sila ng maling impormasyon sa simpleng dahilan na hindi sila on time. Narito ang mga website at blogs na para sa Halalan 2010 (Website and Blogs on 2010 Philippine Elections) ...


2010 Presidential Elections | Presidential Candidates | Political Arena - ito ang website na talaga namang na impress ako. Kahit pa nakalagay sa ilang kandidato ay undecided ay sila lamang yata ang updated at kumpleto sa mga listahan ng nag[ahayag ng kagustuhang tumakbo bilang Pangulo. Ang maganda pa dito ay para itong isang social networking site na kung saan pwede kang magjoin at makihalubilo sa ibang tao. Pwede mo rin ipakita at ikampanya ang iyong sinusuportahang kandidato. Dito pwede kang magtanong sa kandidato at makisalamuha sa forum... pwede ka ring magupload ng photo at video.


2010 Presidentiables Blog - this blog is maintained by WAWAM and features articles from the supporters of Presidential aspirants themselves. This is the place to get the latest updates and blogs about the candidates. There is also an ongoing poll on the Presidentiables... so do vote now.


YouthVote Philippines - isa sa pinakasikat na samahan para ikampanya ang role ng kabataan sa 2010 elections. Kapartner nila sa layuning ito ang GMA 7 at maging ang ABS-CBN at iba pang nasa tri-media. Sa ngayon ay isang information only site ito at walang user interaction. Nakakalungkot din na mukhang hindi updated ang listahan nila ng presidentiables at gayun din maging ang mga ulat tungkol sa kanilang mga aktibidad.




Movement for Good Governance - isang samahan ng mga taong naglalayon ng mas makabuluhan na pamamahala. Sila rin ang namamahala ng Talakayan 2010, isang forum na kung saan pinagsasama-sama ang mga kandidato upang sagutin ang mga tanong direkta mula sa mga botante. Katulad ito ng "town hall meetings" sa Estados Unidos. Mayroon din silang tinatawag na MGG socorecard na nagiging basehan ng pagpili sa mga kandidato. Nakakalungkot rin na hindi updated ang website na ito.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: