Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, July 30, 2009

My Analysis of Gloria Macapagal Arroyo's SONA

Mapalabok at maganda ang State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Palaban din at mapanuya sa kanyang mga kritiko. Pero may katuturan nga ba ang kanynag SONA? Narito ang Pagsusuri sa SONA ni Arroyo.

Sa unang mga talata ay sumasang-ayon ako na nakaiwas nga tayo sa hagupit ng economic crisis at sa katunayan ay bumabang muli ang presyo ng gasolina at ng bigas. Pero ang pagbaba rin ng presyo ng gasolina ay dahil na rin sa pagbaba sa pandaigdigang pamilihan. Sinabi rin ni Arroyo sa kanyang SONA na ang mga magsasaka daw at ang agrikultura ay mahalaga sa ating bansa. Subalit ang katotohanan sa loob ng kanyang panunungkulan ay mas lumiit pa ang sektor ng agrikultura at kulang na kulang pa rin ito sa atensyon. Nabigyan sila ng atensyon noong may krisis sa bigas pero pagkatapos noon ay wala na.

Umunlad daw ang ekonomiya. Oo umunlad daw sabi ng ating Gross National Product o GNP. Oo umunlad daw kasi lumaki ang Internal Revenue Allotment o IRA ng mga LGUs... pero ang malaking taong bakit lalong dumami ang mahihirap at bakit lalong dumarami ang mga walang trabaho?

Sang-ayon ako sa panukala ni Pangulong Arroyo na magkaroon ng Department of ICT pero anu ba ang ICT sa kanyang pananaw. Hindi lang Business Process Outsourcing o BPO ang ICT. Hindi lang ang pagtratrabaho sa mga IT companies at paglalagay ng chips ang ICT. Sa larangan ng ICT ay kasama ang software creation, content development at iba pa. Higit sa BPO at low-level IT work dapat mas pagtuunan ng pansin ang high-end IT jobs at infrastructure.

Malaki nga ang maitutulong ng turismo. Pero dapat din nating paghandaan na habang dumarami ang turista ay may potensyal din na masira ang ating mga likas na yaman. Darami ang basura at kung anu-ano pa. Dapat maging matindi ang pangangalaga at pagbabantay sa mga tinatawag na tourist spots.

Ang sinasabi ni PGMA na Cash Handouts o Pantawid Pamilya ay masasabing tunay na pantawid lamang sa problemang kinakaharap ng bawat pamilyang naghihirap. Bukod dito dapat ay napagplanuhan din kung papaano sosolusyunan ang ugat ng problemang ito ng sa gayon ay mas maging epektibo ang programa laban sa kahirapan.


Pitong milyong pamilya ang nakinabang daw sa 165 bilyong piso na microfinance? Interesante ito sapagkat magandang malaman kung paano ito nangyari, sino ang nakinabang at ano na ang kalagayan nila. Dapat ding alamin kung ano ang "entrepreneurship" sa kaisipan ni Pangulong Arroyo. Sapagkat baka akala niya ay ang ibig sabihin nito ay simple lamang.

Sa batas na Cheaper Medicines Bill ay makikita ang galit ni Arroyo kay Senator Mar Roxas sapagkat hindi man lamang niya ito pinasalamatan at tinuya pa sapagkat "weak" daw ang panukalang ito ng Senado. Sa simulang ito makikita natin ang "vindictive" na ugali ng pangulo.

Matatandaang sinabi niya noon na magigi siyang isang "reconciling president" para mabigyan ng hilom ang dibisyon na nalikha ng EDSA Dos subalit mula noon ay puro patudsada at balik na bigwas ang kanyang ginagawa sa kanyang mga kritiko.

Sa bandang ginamit niya ang salitang "pussyfoot" ay dali-dali akong naghanap ng translation online sapagkat tila isang napakalalim na salitang Ingles ang kanyang nabanggit o dili kaya ay isa ba itong "slang"?

Ang salitang pussyfoot ay nangangahulugan ayon sa Webster, "To act or proceed cautiously or timidly to avoid committing oneself."

Dalawang klase ito at ang una ay maganda sapagkat ibig sabihin ay hindi ka pabigla-bigla sa iyong desisyon para hindi makuryente. Tama nga si Pangulong Arroyo na hindi sya pussyfoot sapagkat madalas sya makuryente.

Pangalawa ay ang pangangayaw na maging "committed" sa isang bagay na isang karakter na talagang hindi dapat taglayin ng isang pangulo.

Isa pang punto na dapat malaman ay ang tungkol sa Edukasyon, hindi lamang mga libro at mga silid-aralan ang susi sa edukasyon kundi ang klase ng edukasyon na dapat sana ay itinuturo. Ang klase ng edukasyon na "multiple intelligence approach" na kung saan hindi lamang mathematical at linguistic intelligence ang linangin kundi maging social intelligence, emotional intelligence, visual intelligence at iba pa.

Eto... "We assist financially half of all students in private high schools…." totoo ba ito? Napakarami nyan ha!

Atin ring tandaan na ang edukasyon ay isa lamang paraan upang makapamuhay ng maayos at may katuturan sa mundo. Walang silbi rin ang iyong natapos kung hindi ka rin lang magkakatrabaho at magigi kang pabigat sa ating lipunan.

Ang sabi ng Pangulo ang tanong daw sa rebelyon sa Mindanao at ng CPP-NPA ay bakit kailangang magpatayan ang bawat Filipino? Para sa akin ang tanong ay "Anu ba ang dahilan ng rebelyong ito? Magkaiba ang rebelyon ng CPP-NPA-NDF. ito ay rebelyong pulitikal na nagnanais ng pagbabago ng sistema ng pamahalaan. Ang rebelyon sa mindanao ay higit sa pulitikal pagkat ito rin ay batay sa pang-aagaw, pang-aapi at iba pang kalupitan na ginawa sa kanila ng mismong pamahalaang dapat pumuprotekta sa kanila.

Paano ito sosolusyunan? Kung maniniwala at magtitiwala ang bawat isa sa proseso at taong kanilang kinakausap.

Sa tanong na malinaw ba na bababa si Pangulong Arroyo sa 2010? Opo napakalinaw po ng kanyang sinabi ukol dito.

"At the end of this speech I shall step down from this stage…but not from the Presidency. My term does not end until next year. Until then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is much to do as head of state—to the very last day…."

At narito pa po ang isa...

"I never expressed the desire to extend myself beyond my term. Many of those who accuse me of it tried to cling like nails to their posts…."

At eto pa...

"And to the people of our good country, for allowing me to serve as your President, maraming salamat. Mabuhay ang Pilipinas."

Bababa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa puwesto sa 2010. Marami siyang magagandang nagawa para sa ating bayan at marami din namang sumablay. Hindi natin dapat husgahan lamang si PGMA sa kanyang mga kakulangan at masamang nagawa bagkos ay dapat ding tingnan ang mga maganda.

Nabanggit na niya sa kanyang SONA ang mga magaganda at dito sa analysis na ito ay atin lamang ipinakita ang mga bagay na tila mas dapat pang mapaganda.

Sa tanong na dapat bang maging "unpopular" ang isang Presidente para magawa ang dapat niyang gawin at totoo ba na wala itong kinalaman. Ang katotohanan ay hindi tanga ang taumbayan alam nila na mas maraming panloloko kesa sa magandang bagay na ginawa ang kanilang Pangulo... kaya wala silang tiwala rito.

Kay Pangulong Arroyo salamat sa mga magaganda mong nagawa at sana mas marami ang magaganda pero ang totoo mas marami ang sablay yata talaga.

Narito ang "GMA State of the Nation Address (SONA) 2009 Full Text"


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: