Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, July 16, 2009

Narinig Nyo Na Ba si Congressman Roilo Golez?

Napanuod ko kanina ang Oversight session ng kongreso tungkol sa performance ni Pangulong Arroyo. Dito pinag-uusapan nila ang mga nagawa ni Pangulong Arroyo sa kanyang termino dahil na nga rin sa nalalapit na huling State of the Nation Address o SONA ng Pangulo. Habang nakikinig ay napailing ako at hindi makapaniwala sa tinuran ni Congressman Roilo Golez. Ang usapin ay tungkol sa pagkawala ng mga lupang sakahan dahil sa tinatawag na land conversion. Sinabi ni Golez na ayos lang daw na maconvert ang mga lupang sakahan sa mga subdivision at iba pang industrial state dahil tanda raw ito ng pag-unlad. Hindi raw naman dapat at makatwiran na ang mga magsasaka ay magsasaka na lang habambuhay. Ano po? O sige nga po KAININ NINYO ANG MGA SUBDIVISION AT MGA INDUSTRIAL PRODUCTS NA YAN! Hindi ko maisip kung saan nanggaling ang kaisipan na yan at kung tamang pag-iisip ba ang pinaiiral... teka??? naisip ko rin baka naman inaasar lang niya si Pangulong Arroyo pero mukhang hindi naman. Sana nga mali ako.

Bukod pa rito ay may nagbigay naman ng rason kung bakit daw dapat ay 100% na ang ibigay na pag-aari sa mga dayuhan sa agrikultural na lupa. Alam nyo daw kung bakit? Kasi pag daw dayuhan ay baka raw makaya na nating lampasan ang output sa agrikultura ng Estados Unidos, Canada at Australia.

Aba teka nga po ginoong kongresista... hindi po ba halos doble doble ang laki ng mga bansang tinuran ninyo. Kahit siguro 2,000% ownership eh mukhang malabo yun. At saka sabi nga noong nandun na resource person ay subsidized ang sektor ng agrikultura sa mga bansang ito lalo na sa Estados Unidos... eh dito sa atin binabarat pa nga yan ng NFA eh.

Minsan tuloy napapaisip ako kung saang lupalop napulot itong mga tao na ito... kawawa naman ang ating bayan... gusto nila na mawalan tayo ng makakain.

Hindi po masama ang maging magsasaka habambuhay ang masama po ay ang patuloy na pagwawalambahala ng pamahalaan sa sektor na ito. Iyan po ang masama! Hindi dapat ikahiya na magsasaka ka o mangingisda.... dapat mahiya ang mga pulitiko na hindi nakikita na kung hindi ito pagtutuunan ng pansin ay WALA TAYONG KAKAININ!

Hoy Gising!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: