Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, July 11, 2009

Nicanor "Nick" Perlas is 3rd on Facebook Presidential Polls

Pangatlo sa mga naglalabang Presidential Candidate si Nicanor "Nick" Perlas sa isang Presidential Poll sa Facebook. Umaangat si Nick Perlas mula 2% papuntang 6% upang lagpasan si Sen. Manny Villar. Nangununa pa rin sa poll na ito sina Sen. Chiz Escudero na mayroong 47% at Sen. Mar Roxas na mayroong 17%. Hindi sinabi ng nasabing poll kung ilan na sa kasalukuyan ang nakaboto. Sa ISA PANG POLL nangunguna naman si Nicanor "Nick" Perlas na may 39.3%, pinangalawahan ni Sen. Chiz Escudero, 25.4% at Sen. Manny Villar, 8.2%. Ang poll na ito ay may 122 respondents.

Sa isa pang poll ng 2010 Presidentiables sa Wordpress ay nangulelat naman si Nick Perlas na mayroon lamang 1% na bumoto. Sa poll na ito nangunguna pa rin si Sen. Chiz Escudero, 22%; sinundan ni Sen. Manny Villar, 18%; at pumangatlo si Mayor Jojomar Binay, 14%.

Ang mga online poll ay masasabing accurate pa rin bagama't ang margin of error nito ay mula +-5% hanggang +-10% depende na rin sa mga sistemang ginagamit.

Sa poll na kung saan tinitingnan ang lokasyon ng mga IP Address ng mga bumuboto ay nakitaang malaki ang pabor ng mga OFW sa kandidatura ni Nicanor Perlas samantalang mukhang kailangan niyang mas magpakilala pa sa kanyang mga kababayan dito sa Pilipinas.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: