Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 31, 2009

Pagkikita nina Barack Obama at Gloria Arroyo Insulto sa Pilipinas (Obama Insults Arroyo in Meeting)


Ngayong araw na ito sa ganap na 3pm ay pormal na makikipagkita si Pangulong Arroyo at ang kanyang hakot crowd kay U.S. President Barack Obama. Isang oras matapos iyon sa ganap na ika-4pm ay makikipag-usap naman si Obama kina Treasury secretary Timothy Geithner at Vice President Biden.

Isang oras o kulang pa - iyan ang panahon na inilaan ni Barack Obama kay Pangulong Arroyo. Walang pormal na pagtanggap, walang State Dinner at iba pa. Minadali nga ba ang pagbisita o sadyang natapat lamang ang panahon sa hindi tamang sitwasyon?

Ngayong araw din na ito magkakaroon ng isang Beer Meeting sina President Obama, Harvard Scholar Police Henry Louis Gates at Sgt. James Crowley. Mukhang doon mas nakalaan ang araw at atensyon ni Obama.

Sa mga nagdaang Official State Visit ay hindi pa nagkakaroon ng ganito kaikling panahon ang isang pangulo ng Pilipinas sa kanyang pagbisita sa Estados Unidos. Ang Pilipinas ang pinakamatagal at pinaka malapit na kaalyado ng Estados Unidos sa halos lahat ng bagay pero sabi nga ng Mabuhay Radio ay parang basura ang pagtratong ito kay Pangulong Arroyo.

Sino ang dapat sisihin dito? Si Arroyo ba o si Obama?

Ating abangan ang mga pangyayari sa araw na ito.

Pansamantala narito ang ilan pang mga balita ukol sa nalalapit na pagpupulong:






Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: