Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, July 26, 2009

Pagod Na si Juan sa Con-Ass!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan? Kung ang pag-uusapan ay ang nilulutong Constituent Assembly o Con-Ass, oo pagod na pagod na ako at malamang pagd na pagod na rin kayo. Paulit-ulit at napakaugong na tila mga naglalaway na manyak ang mga gustong magbago sa ating konstitusyon. Gusto nilang ipamigay at ibenta sa mga dayuhan ang ating bansa. Ito lang daw ang solusyon sa paghihirap ng ating bayan. Pero kung may naiisip akong solusyon... ito ay ang magsilayas na sila sa mga pwesto nila at palitan ng mga tunay na maglilingkod sa ating bayan. Ngayong araw na ito, nakikiisa kami sa Cyberprotest, Blog Action Day vs. #conass. Ayaw namin sa pwet at ayaw namin sa kabahuang iniutot ng mga kongresistang nagpasa ng resolusyon ukol dito.

Ito ang pang apat na artikulo kong sinulat ukol sa namumuong Charter Change at binabalak na pagpapanatili ni Pangulong Arroyo sa pwesto. Bukas, ika-27 ng Hulyo 2009 ay gaganapin ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo. Ano na naman kaya ang kanyang ipagyayabang? Baka naman maging State of the Con-Ass Address ito.

Ayaw namin sa CON-ASS at ayaw namin sa CHARTER CHANGE. Ang kailangan natin ay Character Change.

Narito ang ilang artikulo kung bakit AYAW NAMIN SA PWET NG MGA KONGRESISTA:

BROOD: CHA-CHA Is Not OUR Priority Now

Ang Mabahong Amoy ng Pwet este Con-Ass (Bad Smell of the Constituent Assembly)

The Pro Con-Ass Congressmen: Are They Traitors?

Ang Rally sa Makati, Ang Con-Ass at si Juan (Tayong mga Pinoy)


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: