Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, July 4, 2009

Posible ang Pagbabago sa Pilipinas at sa Kultura

Posible ang pagbabago sa ating bansa, hindi lang sa paraan ng pamumuno at pulitika kundi maging sa istruktura at kultura. Ito ang pinatunayan ng bayan ng San Isidro, Nueva Ecija. Isang pagbabago sa pamumuno at pagpapatakbo na napansin at hinangaan ng Harvard University Kennedy School of Government (KSG) sa Massachusetts, Estados Unidos. Hindi inakala ni Mayor Sonia Lorenzo na ang isang bagay na hindi man lang nakuhang pansinin ng mga namumuno sa ating bansa ay mas mabibigyan pa ng pansin ng iba. Ito ang kanyang panimulang nasabi sa kanyang presentasyon sa Harvard.

Pinag-usapan sa aktibidad na ginawa sa Harvard ang mga gawain ng Gawan Kalinga, isang grupong pinamumunuan ng Couples for Christ at ng simbahan. Mahigit na isang milyong Filipino na ang naabot nito at nabigyan ng mga pangarap nilang bahay at pamumuhay ng mapayapa sa isang produktibong komunidad.

“What happened in San Isidro went beyond building houses and organizing communities. In our town, we applied in public governance the GK-style of working from the bottom,” ito ang nasabi ni Mayor Sonia sa isang panayam sa e-mail ng Inquirer.net.

Pinalaganap niya ang kultura ng pagbabago sa kanyang nasasakupan na kung saan ay nagkaroon ng pagbabago sa pananaw at pagkilos ang mga mamayan ng bayan ng San Isidro. Mula sa karaniwang lokal na pamahalaan na kung saan tao ang lumalapit dito ay binago niya at ng mga tao na ang paglilingkod ay dapat siyang pangunahang katungkulan ng isang lokal na pamahalaan.

Sa nasabing programa ay idenetalye niya ang prosesong kanilang pinagdaanan. Ito ang nagpapatunay na tunay na may kakahayan tayong baguhin ang ating bansa at wasakin ang kultura ng korupsiyon at kawalan ng pakialam na lumalamon sa ating lipunan.

Kung posible ito hindi ba posible rin na pumili ng mga namumuno na bago at may tunay na kakayahan at pagmamalasakit para sa ating bayan? Para sa akin posible ito... sapagka't tayo ang gagawa ng ating bukas at sisimulan natin ito ngayon.

HINDI DAPAT AKO MISMO... DAPAT AY TAYO MISMO

Basahin ang kabuuan ng arikulong HARVARD TAKES NOTICE: What’s happening in Nueva Ecija town.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: