Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 28, 2009

Sino ang Hindi Nakakaintindi ng Sustainable Development, Si Perlas o si Dir. Ramos ng DENR?

Pagkatapos magbigay ng pahayag sina Celemnte Bautista Jr at Nicanor "Nick" Perlas na bagsak si Pangulong Arroyo sa kanyang patakaran sa kalikasan ay bumalikwas si Director Horacio Ramos, ng DENR-Mining and Geosciences Bureau na "purist" at hindi naiintindihan nila ang depinisyon ng Sustainable Development. Sino nga ba ang hindi nakakaintindi? Si Perlas ba at Bautista o si Dir. Ramos?

Maliwanag na sa Philippine Agenda 21 kung saan isa sa sumulat ay si G. Nick Perlas ay andun ang tatlong sangkap ng isang "sustainable society". Ang mga sangkap na ito ay ang gobyerno, negosyo at kultura at nasa labas naman ang kalikasan at indibidwal. Maliwanag doon na dapat ay kasama sa anumang panukala ang lahat ng sektor at kasama rito ang pagpapaunlad sa kalagayan ng tao.

Mukhang hindi napag-aralan ni Dir. Ramos ang kanyang takdang aralin sa DENR. Maliwanag rin na bagama't nakakapagbigay nga ng kita at pag-unlad ang pagmimina ay iniiwan naman nitong tiwangwang at wasak na wasak ang lugar na pinagtayuan nito.

Maliwanag din na naipakita ng mga pagsusuri na sobrang sama at hindi makatao ang kondisyon na kinakaharap ng mga taong nagtratrabaho sa mga minahan sa ating bansa.

Natanong na rin ba niya at ng bawat isa sa atin kung sino ang nakikinabang talaga sa mga mineral na kinukuha sa ating bansa gayong wala tayong mga planta na nagproproseso ng mga pinal na produkto mula sa mga mina. Ang mga minang kininukuha ay ini eexport lahat at bumabalik sa atin bilang mas mahal na produkto.

"Constructive criticisms are good when alternatives or options are being offered. Sad to say, in this case, no alternatives were offered," ito naman ang sinabi ng Chamber of Mines of the Philippines. Pero ang totoo may ibinibigay na panukala si G. Nick Perlas para sagutin ang problemang ito.

Sa kanyang Strategic Agenda sa www.nicanorperlas.com ay naipakita niya ang tamang paraang ng pagtukoy at pagtalakay sa mga problemang kinakaharan ng ating lipunan.

Paano uunlad ang isang bansa at papaano masasagot ang kahirapan kung patuloy na wawasakin ang pangunahing buhay at kaluluwa ng mga tao -- ANG KALIKASAN.

Huwag tayong pabulag sa mga maling sinasabi ng mga negosyante na nagsasamantala sa ating kalikasan.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: