Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 3, 2009

"Sira Ulo Ka, Nick Perlas" - Frank (GNN's Talk to Harry)

"Sira ulo," ito ang naging pahayag ng co-host ng GNN talk show na Talk to Harry ng maging guest dito ang presidentiable na si Nicanor "Nick" Perlas. Hindi makapaniwala si Frank na naglakas ng loob si Perlas na kumandidato sa kabila ng katotohanan na guns, goons and gold ang umiiral na kultura sa estadong pulitikal ng ating bansa.

"The interview was blessed by the presence of a GNN co-host who is a firm believer in and defender of traditional politics, including the practice of vote buying, manipulation of the poor, etc.," ito ang nabanggit ni Perlas sa kanyang blog. Sapagka't ayon sa kanya sa pamamagitan nito ay mas naipakita niya sa humigit kumulang na 1 Million na manonood ng GNN (Global News Network) na panahon na nga ng pagbabago.

Ayon pa kay Perlas, sa nasabing interview ay tinangka ng co-host na wasakin ang kanyang kredibilidad at ipakita sa lahat na hindi niya kayang manalo o labanan ang status quo. Sinabi rin umano ng co-hst na ito na imposibleng masolusyunan ang mga problema ng bansa.

Para sa akin ang sinumang tao na magsasabing wala ng solusyon ang problema ng ating bansa ay walang karapatan na maging Filipino. Bilang isang Filipino ay pananagutan mo at tungkulin mo sa iyong bayan na paunlarin ito at tungkulin mo naman sa iyong kapwa at sarili na tulungang umangat ang kapwa Filipino.

Para sa higit pang detalye ukol sa naturang interview BISITAHIN ANG BLOG NI NICK PERLAS at abanagan din ang footage ng nasabing interview.

Si Perlas na nga ba? Para sa akin hindi... Bakit? Sapagkat ang TUNAY NA SOLUSYON AY TAONG LAHAT... syempre sa pamumuno ni NICANOR PERLAS, ANG ATING PANGULO.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

PatuanaynMo Admin said...

Hello Everyone! Hello Nick.

Nice posts! Bye the way, I just created a poll survey site for the coming election. I hope this will help everyone on how we are going to decide and chose the best presidential candidate.
Please visit my site and give comments to every presidential candidate.

http://www.patunayanmo.ukay2x.com/
View ranks here:
http://www.patunayanmo.ukay2x.com/ranking.php

Good luck to everyone and specially to those who have the righteous will!
May God bless our land.

Thanks!:)