Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 3, 2009

Watch Out for the 2009 Philippine Blog Awards this October

The Philippine Blog Awards 2: Awards Night Highlights from BUDDY GANCENIA on Vimeo.


Mga pinoy bloggers markahan ang inyong kalendaryo sapagkat sa gabi ng October 9, 2009 sa Megatent Events Venue (30 Meralco Avenue, Bgy. Ugong, Pasig City) ay gaganapin ang 2009 Philippine Blog Awards. Muli na namang paparangalan ang ilan sa mga pinakamahuhusay na bloggers na pinoy at mabibigyan ng pagkakataon silang makilala. Ang dalawa sa aking blog, "Newz Around Us" (www.newzarundus.com) at "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?" ay napabilang sa mga finalist ng 2008 Philippine Blog Awards. Naging finalist ang blog na ito sa Best Blog Commentary at ang Newz Around Us naman ay sa Best Blog News and Media. Sa kabila ng mga ilang napuna ko noon ay sasali muli ako sa parangal na ito at muli ay makasama ang mga kasama nating bloggers.

Sa nakaraang 2008 Philippine Blog Awards ay humakot ito ng kulang sa 20 Million na media values mula sa mga items at media exposure nito sa print, TV at online at ngayon tiyak na mas magiging maganda at kapana-panabik ang gabi ng parangal.

Kaya po sa mga nais na makilahok antabayanan ang mga update sa kanilang website - http://www.philippineblogawards.com.ph/


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: