Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 29, 2009

2010 Philippine Election New Hope, New President, Nick Perlas

Nicanor Perlas for President, Philippines 2010 from Edmbin on Vimeo.


Malapit na ang halalan ng 2010 at lahat ay nagpapapogi na. Karamihan ay pumopostura at nagsasabi na may pakialam sila sa mga mamamayan. Karamihan ay muling nangangako na isasalba nila ang ating bayan. Hindi ba natin napapansin na sila pa rin ang mga dati ng nangako sa atin pero binigo tayo? Hindi ba natin nakikita ang katotohanan na paulit-ulit na lang ang nangyayari? Papayag pa ba tayo na maging ganito na lang? Alam ko na dapat na tayong magising at alam ko na ngayon na. Kung may isang kandidato na handa akong itaya ang buhay ko at sabihin na siya talaga ang dapat iyon ay si Nick Perlas. Nakakasiguro ako na ang tang ito kailanman ay hindi malalamon ng sistema. Kung new hope ang hanap mo... PERLAS TAYONG LAHAT.

Bukod sa pagsasabi ko kung sino ang sa palagay ko ay karapat-dapat maging pangulo na paulit-ulit ko namang sinasabi at pinagdidiinan... sabi nga ng iba makulit daw ako pero ang sabi ko naman kailangan sapagkat lumiliit na ang panahon para sa ating bayan.

Nakakabahala ang sinabi ng isang artikulo na maaaring hindi na umabot ang Pilipinas ng 100 taon. Nakakatakot ito sapagkat pawang katotohanan ang mga sinasabi dito. Kung hindi tayo magigising at kung hindi natin babaguhin ang direksyong tinatahak ng ating bansa habang maaga pa maaaring maging huli na ang lahat.

Hindi nadadala ng kasikatan ang katotohanang palagi na lang mga ganyan ang ibinoto natin. Hindi nadadala ng itsura at kabataan ang karapatang sabihin na kaya nilang baguhin ang ating bansa. Ang katunayan ang katatagan at paninindigan para sa kapakanan ng bansa at ng bawat Filipino ang tunay na basehan.

Ito ang basehan ng kabayanihan nina Ninoy Aquino at Cory Aquino. Hindi sa dugo ang basehan, hindi sa partido, hindi sa pera kundi sa taos pusong pagyakap sa paglilingkod sa bayan at sa mamamayang Filipino.


Perlas Tayong Lahat - Nicanor Perlas for President


Sabi nila IMPOSSIBLE daw na manalo ang mga alternative politicians. Imposible kasi ayaw nating maniwala... imposible kasi hinahayaan nating maloko sa mga pang-uuto ng mga pulitiko. Hindi ba ang salitang impossible ay pwedeng maging I AM POSSIBLE. At hindi ba ang tanging sigurado sa mundo ay PAGBABAGO. Kung pagbabago ang sigurado ibig sabihin KAYA MONG MAGBAGO... KAYA KONG MAGBAGO at KAYA NATING MAGBAGO.

Kaibigan, panahon na nang pagkilos... manindigan tayo at angkinin ang bagong Pilipinas... likhain natin ito ng sama-sama sapagkat tayong lahat, bawat isa ay PERLAS ng silangan.... TAYONG LAHAT AY PERLAS.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: