Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, August 18, 2009

Ang Aking Senador ay si Risa Hontiveros (My Senator is Risa Hontiveros)

Kung mayroon akong pangalan ng mga hinahangaan at saludo akong kongresista ito ay si RISA HONTIVEROS-BARAQUEL ng Akbayan. Si Risa ay hindi lamang sigaw at welga kundi kasama nito ang pagkilos at paggawa ng solusyon sa mga problema ng ating bayan.


Video My Senator is Risa Hontiveros


Isa sa mga naging susi ng pagpasa ng Renewable Energy Bill sa Mababang Kapulungan ay si Risa Hontiveros. Si Risa Hontiveros din ang isa sa mga nagsulong ng Magna Carta para sa kababaihan. Tunay na isang lider at hindi TRAPO. Mas maganda nga lang sana kung nakiisa siya sa mga iba pang kandidato na hindi rin TRAPO.

Matagal nang nagpahayg si Risa Hontiveros na tatakbo siya bilang senador, inanyayaan ng mga political parties na sumama sa line up nila. Nang nakaraang lingo, pormal na inihayag ng Akbayan, ang pagpatakbo sa kanya bilang senador. Pormal din syang niyaya ng Liberal Party, sa pamamagitan ni Senador Noynoy Aquino, na tumakbo as guest candidate sa kanilang partido at ito ay pormal namang tinanggap ni Risa at ng Akbayan.

Ang video ay kuha at gawa ni King ng Youth4Risa Volunteer.

Sayang Risa sana nagsama-sama ang lahat ng makabayan at para sa pagbabago na mga kandidato. Ito ang isa sa matagal nang problema kaya patuloy na lugmok ang mga mamamayan.

Kung magsasama-sama lamang sina Nick Perlas, J.C. dela Cruz, Grace Padaca, Ed Panlilio, Bro. Eddie Villanueva at iba pang kandidato tulad nina Ariel Querubin, Satur Ocampo, Danny Lim, Lisa Maza, Kaka Bag-ao at iba pa tunay na magkakaroon ng isang alternatibong partido para sa kapakanan ng bayan.

Magkagayunpaman asahan mo ang aking suporta!

Ang Mga Senador ko ay sina...

1. Risa Hontiveros
2. Yasmin Busran-Lao
3. Gen. Danny Lim
4. Neric Acosta
5. Liza Masa
6. Satur Ocampo
7. Alex Lacson
8. Sonia Roco
9. Pia Cayetano
10. Ariel Querubin
11. JV Bautista
12. Adel Tamano

Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: