Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, August 20, 2009

Ang Bagong "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?"

Magandang hapon po mga tagasubaybay at mambabasa ng ating blog. Ngayon po ang ika-10 araw ng pambansang pagluluksa para kay Pangulong Cory Arroyo este Cory Aquino pala. Sa araw pong ito ay ating ilalagay ang bagong header ng Pagod Ka Na Bang Maging si Juan? bilang pagbibigay pugay sa Dakilang Bayani Corazon C. Aquino.



Ang bagong header po na ito ay nagsisilbing pagibayo ng ating pagtataguyod sa kamalayang Filipino at pagpupursige upang maiangat ang ating katauhan bilang isang dakilang lahi.

Ano ang ibig sabihin nito? Basahin sa ibaba...

Ang bagong kulay sa likuran ay sumisimbulo sa tatlong kulay sa watawat: Pula bilang kulay ng pagiging aktibo sa mga isyu, Bughaw bilang kulay ng mapayapang pagtugon sa mga suliranin at Dilaw bilang alab ng demokrasya na binigyang kulay ng ating mga bayani tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy Aquino at Cory Aquino.

Ang bagong header-logo na sumisimbulo sa adhikain ng blog na ito ay may tatlong katangian:

1. Ang Watawat na siyang simbulo ng ating bansa at Inang Bayan
2. Ang Supremmo - na sumisimbulo sa bawat Filipinong nagmamahal sa Inang Bayan. Ito ang mga Juan at Juana na naninirahan sa bansang ito. Ang larawan ay mula sa likha ni Dexter Entera.
3. Ang Alibata - ang ating sariling panulat na kung saan nakaukit ang salitang, "Maharlika Dakilang Lahi"

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan? Kung pagod ka na maging Juan lumikha ka ng bagong Juan na isang tunay na Filipino na titira sa isang bagong Pilipinas... ang Maharlika.

Narito po ang mga nagdaan nating banner-header.

1. Cory Aquino Tribute Banner. Ginamit ito simula August 1 hanggang August 10 bilang pagpupugay at pagala-ala sa dtaing Pangulong Corazon C. Aquino.



2. Pagod Ka Na Bang Maging Si Juan Original Banner - ito ang orihinal na banner na nagpapakita ng isang babaeng nakaluhod at nakagapos.



Salamat po sa inyong pagtangkilik at pagbabasa ng mga artikulo sa blog na ito. Sana po ay patuloy po ninyo kaming suportahan.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: